Chapter 113 SIENNA “YOU got a nerve to tell me that, Anya.” Halos hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa kanya. Kampante lang siyang makatayo sa gitna ng kwarto ko, parang wala lang ang mga salitang binitawan niya kanina. Parang normal lang na sabihin sa akin na ako pa ang papatay kay Uno. Ang lakas ng loob niya. Tinitigan ko siya nang mariin, pero hindi siya umatras. Hindi rin siya umiwas ng tingin. Sa halip ay bahagya pa siyang tumagilid ng ulo habang nakapamewang. Parang hinahamon ako. “Why?” malamig niyang sagot. “Did I lie?” Mas lalo akong napakunot ng noo. “Ang kapal ng mukha mo,” sabi ko, halos pabulong pero ramdam ang galit sa boses ko. Ngunit hindi siya natitinag sa galit ko. Sa halip ay napangiti pa siya nang bahagya. Isang ngiti na may halong pang-uuyam. “Si

