Chapter 93.02 UNO SANDALING katahimikan ang namagitan sa amin. Tinitigan ko sila nang mabuti. Sa liwanag ng umaga, mas malinaw ang pagkakahawig. Hindi ko kailangan ng DNA test para malaman ang totoo. “Mr. Hero?” Honey’s voice softened. “Why are your eyes sad?” Napasinghap ako. Tinamaan ako sa tanong na ‘yon. Hindi ako agad nakasagot. Sa halip, inabot ko ang tray at inilapag sa maliit na mesa sa loob. Pagbalik ko, hinaplos ko ang ulo nilang dalawa, maingat, parang babasagin sila. “I’m not sad,” mahina kong sabi. “Just thinking.” “About mama?” tanong ni Kisses, diretso ulit. Napangiti ako nang bahagya. “You two ask too many questions.” Honey giggled. “Mama says that too!” Sa likod ng ngiti ko, may tensyon. Kung hindi alam ni Enna na nandito… ibig sabihin, mag-isa silang pumunta sa b

