Chapter 100 SIENNA NAGPUPUYOS pa rin ang dibdib ko habang nakasandal ako sa pinto. Bwesit talaga si Uno. Kung anu-anong pinagsasabi. Kung anu-anong inaalala. At mas nakakainis, may katotohanan ang iba. Napailing ako pero hindi ko napigilang mapangiti. Kahit inis ako, may parte sa akin na hindi makapag-deny. Well… pinagpala naman talaga si Uno sa bagay na ’yon. At sa buong buhay ko, siya lang ang natikman ko. Ang nag–iisang lalaki sa buhay ko. “Shut up,” bulong ko sa sarili ko, parang pinapatahimik ang sariling isip. Hindi ako dapat nagpapaapekto. Hindi na. Lalo na’t may Carlos na. May engagement na. May plano na ang lahat. Pero mas lalong nadagdagan ang inis ko nang maalala ko ang sinabi niya tungkol kay Anya. “She’s beautiful. Sexy. Maasikaso.” Napapikit ako at mahigpit na napapak

