Chapter 69 THIRD POV GUSTO ni Uno na sumigaw sa sobrang galak na sa wakas alam na niya ang totoo, si Enna ang babaeng hinahanap niya sa loob ng limang taon. Si Dray ang anak niya. Anak niya. Kaya pala hindi niya maipaliwanag kung bakit magaan agad ang loob niya sa bata. Bakit parang may humihila sa kanya tuwing nakikita niya si Dray. Bakit may kakaibang sakit kapag umiiyak ito. But what have I done? Inihilamos niya ang mga palad sa mukha niya. Nanginginig pa rin ang balikat niya. “I’m so stupid…” garalgal ang boses niya. “Naghahanap ako sa malayo… pero nasa tabi ko lang pala.” Napatawa siya nang mapait. “Ako ang ama na hinahanap ni Dray. My God…” Napahawak siya sa buhok niya, halos sabunutan ang sarili. “Uhaw sa pagmamahal ng ama ang anak ko. Pinag-iipunan niya ako para makita sa P

