Chapter 53 SIENNA KINABUKASAN sabay–sabay kaming nag–aalmusal sa iisang mesa. Sa harap ko, magkatabi sina Uno, Carla, at Alonzo. Sa side ko naman, si Wyatt at si Dray. Sa kabisera, si Don Vaughn, diretso ang likod, parang hari sa sarili niyang kaharian. Katapat niya si Doñya Kristina, tahimik pero mapagmasid. Una, puro kalansing lang ng kubyertos ang maririnig. Walang nagsasalita. Walang gustong maunang huminga nang malalim. Hanggang sa nagsalita si Don Vaughn. “Ayaw ko ng gulo sa loob ng mansiyon ko.” Mabagal ang tono niya, parang sinasadya para maunawaan ng lahat. 'Yung klase ng boses na hindi mo pwedeng balewalain. Lumipat ang tingin niya kay Carla. Matalim, may babala. “Lalo ka na,” dugtong niya. Napayuko si Carla. Hindi umimik. Hawak niya ang kutsara pero parang nanginginig a

