Chapter 58 SIENNA “ENOUGH!” Umalingawngaw ang boses na iyon sa buong pool area. Sabay kaming napalingon ni Uno. Nakatayo si Don Vaughn sa may veranda, mahigpit nakahawak sa railings. Hindi maipinta ang mukha ng matanda, pulang-pula, nanginginig ang panga sa pagpipigil. Palipat-lipat ang tingin niya sa amin. Kay Uno. Sa akin. Sa laptop. Kay Dray. “What kind of circus is this?” malamig niyang tanong, pero mas nakakatakot dahil kontrolado. “Lolo—” umpisa ni Uno. “Shut up.” Isang salita lang, pero sapat na para tumahimik siya. Tumawag si Don Vaughn, “Kristina!” Lumabas si Doñya Kristina mula sa loob, gulat ang mukha. “Yes?” “Take Enna. Mag-shopping muna kayo.” Bumaling siya sa akin, mas lumambot nang bahagya ang tono. “Shopping is the medicine to calm a woman.” Then he glanced at Un

