Chapter 95 THIRD POV MATALIM ang tingin ni Carlos kay Uno, parang sinusukat ang bawat pulgada ng pagkatao nito. Hindi iyon simpleng tingin ng fiancé sa bodyguard. May laman. May babala. Lumapit siya kay Uno, halos magkadikit ang balikat nila. Tinapik niya ito nang bahagya sa balikat, pero walang gaanong gaan sa kilos. “May lakad tayo mamaya,” sabi ni Carlos, mababa ang boses pero sapat para marinig ni Uno. “Be ready.” Walang tanong kung pwede ba. Hindi iyon request kundi utos. Tumango lang si Uno. “Yes, boss.” Sa loob-loob niya, alam na niya ang ibig sabihin noon. Lakad. Transaction? Delivery? O baka may traydor na naman sa grupo na kailangang patahimikin. Sa apat na taon niya sa ilalim ng sindikato ni Carlos, kabisado na niya ang tono na ganyan. Hindi siya nagtanong. Hindi siya da

