"Saan tayo pupunta?" tanong ni Avery habang ibang daan ang tinatahak nila at hindi ang daan pauwi. Hawak pa niya ang ultrasound result niya at hindi siya maka move on sa hitsura ng baby na nasa sinapupunan niya. Ang ganda ng kuha sa transV na ginawa sa kanya kitang-kita na ang korte ng fetus sa sinapupunan niya. Nakaramdam pa siya ng lungkot ng maalala ang sinabi ni Ivan na kukunin nito ang bata kapag nakapanganak na siya para daw magawa pa rin niya ang lahat ng gusto niya. Na hindi nito gagawin sagabal sa kanya ang baby nila. Kung kukunin nito ang baby niya dapat package kasama din ang ina, at tiyak naman niyang hindi rin papayag ang parents niya if ever. Maaring bata pa nga siya pero lahat naman natutunan kung gugustuhin saka anak niya iyon natural aalagaan at mamahalin niya iyon. "Uuw

