"Diba sa school may subject na gardening, cooking at cleaning. May natutunan ka ba sa school o puro pag papatansya sa akin ang alam mong gawin?" napasimangot naman si Avery na napatingin kay Ivan. Inutusan lang siya nitong mag bihis at bumaba na din agad. Inihatid lang siya nito sa silid na gagamitin niya. Tingin niya mag 500 sqm ang lawak ng bahay ni Ivan, isang ideal type lang ng bahay na gusto niya kesa sa bahay nila na mansion na kung di ka pa mag sisigaw hindi pa kayo mag kikita-kita. 4 lang ang kuwarto at hindi niya alam kung puwede ba niyang tawagin na second floor ang may hagdan na pitong baitang lang. Open floor plan iyon, malawak na living area, dining area at kitchen. At napaka high ceiling at may desenyo din sa taas ang magandang kakaibang chandelier na parang mga ring na buh

