Napabuga ng hangin si Ivan kaya pala hindi na nasagot ang kausap niya nakatulog na ito sa sahig sa loob ng walk in closet nito habang inaayos nila ang mga damit nito sa lagayan. Nakasubsob na ito sa maleta at naka unan sa isang braso, ini-explain niya rito ang mga schedule niya rito. Lumapit naman siya rito saka maingat na binuhat saka dinala sa kama nito saka maingat na kinumutan. Marahan naman siyang naupo sa gilid nag kama nito at inayos ang buhok nito bahagyang nakatabon sa mukha. "Hindi ka naman siguro nag tutulog-tulugan ano para takasan ang trabaho." napapangiting tanong ni Ivan. "Sadako." tawag pa niya rito na 4 na beses na inulit bago pa ito umungol ng mahina na mukhang tulog na nga. "Hihintayin kita." mahinang bulong ni Ivan saka tumayo na at siya na lang mag-isa ang mag-aayos

