"Avery." tawag ni Shellanie na ikinalingon ni Avery habang nag lalakad siya ng paika-ika patungo sa service niya pauwi. "Puwede bang makisabay pauwi," "Kala ko ba galit ka sa akin bakit kinakausap mo ako ngayon?" pairap na tanong niya rito, kahapon lang nakita niya ito na nakatingin lang sa kanya pero hindi man lang ito lumapit ng makitang nasaktan siya. Tapos ngayon lalapit ito at kakausapin siya. "Dinala sa hospital ang mommy ko pero ayaw ako payagan nila Daddy at Kuya na puntahan siya." paiyak ng wika ni Shellanie kaya naman naawa agad si Avery na hinawakan na ito sa kamay. Alam niya ang tungkol sa pag hihiwalay ng parents nito at ayaw na itong payagan na makipag kita sa mama nito. Agad naman na silang nag punta sa parking lot inutusan niya ang driver niya na dalahin sila sa hospita

