"Okay lang ako." reklamo ni Avery na mas lalo lang siyang nahihiya dahil lahat ng pamilya niya naka palibot na sa kanya at nag-aagawan pa kung sino ang bubuhat sa kanya. "Naku patay ka kay Mommy ang laki ng sugat mo." wika pa ni Doel ng ituro ang tuhod niyang dumudugo. "Naku may lalabas diyan na kalabaw." wika naman ni Dale. "Tsk! Tumahimik nga kayo." saway naman ni Dennis. "Alis kayo dyan alis, patingin ng apo ko." wika pa ng lolo niya na kakalapit lang na hinawi ang mga kuya n'ya. Lalo ng napangiwi naman si Avery. Mas na hihiya pa siya sa reaction ng pamilya niya kesa sa pagkakasubsub niya. Tapos nakita pa niya na pigil na pigil ni Ivan na tumawa. "Isakay n'yo sa likod ko si Nene bilisan n'yo." utos ni Dylan ng tumalikod na. "Papa, baka naman ibagsak n'yo pa ang anak ko." wika na

