Chapter 9: Treehouse

1975 Words
CHAPTER 9 KAT POV Nag paalam muna ako kay manang pena na mag lakad lakad sinabing wag ako lalayo dahil baka naligaw ako sa lawak ba naman nitong hacienda ay kukulangin ang isang buong araw May makikita rin akong mga bahay ngunit malalayo ito. Habang naglalakad ako ay napunta ako sa isang lugar na hindi ko namalayan, isang itong treehouse, out of my curiosity inakyat ko ito, Nong una natakot ako dahil mukhang marupok na ang mga kahoy na hagdanan ngunit hindi naman Nong inakyat ko ito. Pagkarating ko sa taas ay maaliwalas ang paligid nito mayroon din itong balcony dalawang bintana at hindi kalakihan pintuan, nag lakad ako papalapit sa pintuan ngunit nang hinayang ako dahil mayroon itong lock nais ko sanang pasukin ang loob ng treehouse ngunit sinarado ito ng May ari. Kong sino man ang May ari nito ay hihilingin kong tumambay dito, na pa buntung-hininga nalang ako at bumaba nasa treehouse, ipinag patuloy ko ang aking pag mamasyal pasalamat nalang ako at hindi ako naligaw, halos hapon narin akong nakabalik sa bahay, pasalamat ako dahil hindi nakaka uwi si Lance galing trabaho. Nag kwentuhan kami ni manang ng sandali at nag paalam na akong aakyat sa kwarto upang mag pahinga, ng makarating na ako sa kwarto ay napa sampak ako sa kama, makalipas ang limang minuto ay naisipan kong maligo muna dahil mainit kanina habang naglalakad ako ay tagaktak ang aking pawis, kumuha na lamang ako ng robe t pumasok sa bathroom, namalagi ako ng twenty minutes sa paliligo ng matapos ako sa paliligo ay sinout ko na ang robe ay kumuha ako ng isang extrang tuwalya pinupunasan ang basa kong buhok, at lumabas sa bathroom ngunit halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng bumungad sa'kin si Lance. Nakatingin lang siya sakin na parang naiirita ito. "L-lance May kailangan kaba sakin?" Kinakahang tanong sa kanya. Tiningnan niya lamang ako na parang isang gamit. "Tabi" aniya sa matigas na tuno. "Huh?" "Umalis kasa pintuan hindi ako makakapasok kong haharang-harang ka sa daan" malamig nitong saad at binigyan ko nito ng nanlilisik na mga mata. Bago ko lang na-realize na nakaharang pala ako sa pintuan, agad ako tumabi at pumasok siya at pabalibag na sinara ang pintuan. Narinig ko ang pag bukas ng shower agad akong pumunta sa kabinet ko upang mag bihis, binilisan ko ang pag bibihis ko dahil ayaw kong maabutan niya ako nag bibihis at lalo na ayaw ko siyang malapit sakin dahil para akong nasasakal, parang hindi ako makahinga ng maayos. Nang matapos na ako bumaba na ako sakto bumukas ang pintuan sa banyo, ng makababa ako ay saktong nag hahain na si manang pena ng hapunan tinulungan ko siyang mag prepare Nong una ay nag protesta pa ito na tumulong ako ngunit wala narin siyang nagawa dahil makulit ako tinulungan ko siya. Maya-maya pa ay bumaba na si Lance, nakasuot ito ng black shorts at white tshirt. "Iho tara na sakto tapos narin itong asawa mo sa pag handa ng hapunan" masigla saad ni manang pena at nginitian ako. Napadako ang tiningnan niya sakin at katulad parin na kanina ay parang isang bagay lang ay tiningnan niya. "Ah... Okay pero salamat nalang tapos na akong kumain sa labas" walang buhay na tugon niya at tinalikuran kami ni manang. Matamlay ako ngumiti kay manang. "Tapos na pala siya kumain sa labas, tayo nalang po manang ang uubus ng mga niluto ninyo" "Pag pasensyahan mo na yang asawa mo iha, walang lang siguro sa mood makasabay tayong kumain" Binigyan ko nalang si manang ng Peking tawa. "Hahaha siguro nga po manang, tara po kain na tayo bago lumamig itong niluto ninyo, masarap na naman ito" Naupo na kami at inumpisahan kumain, siguro mas gugustuhin ko pa ang malamig na pakikitungo sakin ni Lance kaysa gawan niya ako ng masama o saktan. TYRON POV Nag byahe ako papuntang Tagaytay dahil sa aasikasuhin Kong business doon, iniwan ko muna lahat ng gagawin kay Sec Luna panandalian. Pansamantala sa hacienda namin mona ako titira matatagalan lang ako mga isang buwan. Nang makarating na ako sa bahay sa hacienda ay gabi na, sinalubong ako ni Manang Cilia ang nag aalaga sa mansion namin. "Oh iho nandito kana, hindi ka naman nag pasa bing pupunta akala ko sa bakasyon pa kapa pupunta dito" nakangiting saad ni manang. "Manang magandang gabi, sorry po dahil may emergency kasi ako kaya dito po mona ako titira" masayang tugon ko. "Ay ganon ba?okay lang mas maganda may makakasama na ako nito dito Kumain kana ba?" "Hindi pa po manang" "Abay halika sakto nakapag luto ako ng favorite na ulam mo" masayang saad ni manang. "Sakto po man a ng gutom na din ako" Habang kumakain kami ni manang nakipag kwentuhan kami, naitanong niya pa kong kailan ako mag a-asawa natawa nalang ako, ng matapos na akong kumain ay nag paalam agad ako upang mag pahinga, naligo at humiga sa kama, bukas maraming ako haharapin problema. KINABUKASAN Maaga akong nagising upang pumasok sa trabaho naligo na agad ako ang nag bihis ng suit, pag baba ko naamoy ako agad ang niluluto ni manang. "Good Morning manang ang bago naman ng niluluto ninyo" bati ko habang inaayos ang neck tie ko. "Good Morning, iho kain kana maaga talaga akong gumising ngayon dahil alam kong may trabaho ka iho" masayang saad ni manang at pinag hain ako ng niluto niya. "Salamat po manang" Nang matapos na ako ay sumakay agad ako sa sa kotse puti papunta sa kompanya. Nasa bungad palang ako ng kompanya ay binabati na ako ng mga empleyado ko. "Good Morning Sir Welcome Back"bati ng guard sakin sabay yuko. Tinanguan ko na lang siya bilang tugon. "Good Morning Sir" bati ng mga receptionist. "G-good Morning po Sir" Marami pang nag bati sakin at tinanguan ko nalang sila bilang sagot, ng makarating na ako sa office at agad pumasok si President Sevi Lucas. "Sir ito na po ang mga hinihingi ninyong dukyumento" sabay abot ang folder na black. "Sige you may go ipapatawag nalang kita kong may kailangan ako" tugon ako ng hinalungkat ang folder. "Yes sir" aniya at umalis na sa office ko. Basi sa data base ay bumaba ng 5% ang kita ng kompanya at maging ang namimili ng produkto namin nitong buwan lang, napahawak ako sa ulo ko ng medyo kumirot ito. Niluwagan ko ang neck tie ko at ginulo ang buhok kong naka ayos kanina, I need to fix this mess, kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan ulit si President Sevi. "Ringgg- President Sevi speaking?" "This is Tyron set a meeting in 1 o'clock pm in the meeting room" malamig kong saad. "Y-yes sir I understand" nanginginig ang buses niya sa kabilang linya. Nang dumating ang 1 o'clock ay nag kipag meeting na ako sa mga namamahala ng negosyo na naiwan ko dito, maraming naging paliwanag sila kong bakit naging ganon, hindi ko rin maiwasan mapag taasan sila boses dahil sa na frustrated ako.Tinapos ko agad ang meeting non sinabi naman nila gagawa sila ng paraan pero alam kong hindi masyadong effective ang plano nila kaya gagawa nalang ako at kong hindi nila maaayos ay ako miss mo ang aayos. Gabi na ako naka uwi dahil sa mga ilan naiwan trabaho sa office tulog na si manang pag dating ko kaya hindi ko nalang siya ginising upang makapagbigay pahinga ng mabuti alam kong marami rin siyang ginagawa dito sa bahay. Naligo ako agad at kinuha ko ang laptop upang gawan ng paraan ang problema sa kompanya, hindi ko namalayan na ala una ng umaga kaya natulog nalang ako. KINABUKASAN Tanghali na ako nagising alas otso ng umaga, naligo muna ako bago bumaba nakita ko si manang na nag didilig sa garden kumain na lang at ng matapos pumunta ako sa garden. "Oh, iho ang akala ko pumasok kasa trabaho mo?" tanong ni manang habang sa pag didilig paren ang atenyon niya. Naupo ako sa upuan malapit sa pool at nilabas ang cellphone ko. "Hindi po mona manang dahil marami pa po ang dapat ayosin kaya hindi mona ako pumasok para maayos ko na ang mga dapat ayosin" "Ah ganon ba, abay mag pahinga ka naman iho pag may time makakasama sayo ang mag babad sa trabaho" nag aalala saad ni manang sakin. Na pag pasyahan kong mona pumunta sa rancho, ng nakarating na ako sa rancho ay halos wala parin itong pinag bago simula ng umalis ako at ngayon. "Sir Tyron" bati na manong Fred. "Kamusta po manong Fred?" "Aba'y ito tumatanda na ako, pero ito nakakalakad parin hahaha" "Malakas kapa sa mga kabayo dito manong haha" "Masaya akong nakadalaw ka dito muli sir Tyron tuwing bakasyon lang kayo nakakadalaw dito" "Opo manong dahil May inaasikaso din ako business dito, kamusta na po pala ang mga kabayo dito manong maayos naman po ba?" "Oo maayos naman walang problema dito sir" Isa isa kong tiningnan ang mga kabayo simula maliit hanggang sa malalaki, marami din sinabi si manong Fred na nakaraan ay nag kasakit ang ibang kabayo dala ng panahon narin siguro. Nag paalam agad si manong Fred dahil May aasikasuhin pa daw siya kaya napagpasyahan kong pumunta kay Cly ang aking kabayo, bata pa lamang ako ay regalo na ito ni Dad sakin, halos lahat kami ay may kabayo sayang at wala dito ang mga pinsan ko. Sinakyan ko si Severino at ay napagpasyahan libutin ang buong hacienda halos walang itong pinag bago mula noon hanggang ngayon, habang binabagtas ko ang buong hacienda ay napadpad ako sa isang lugar, naalala kong ito ang lugar madalas kong puntahan parang hide out kahit mga pinsan at kaibigan ko hindi alam na May hinmde out ako. Isa ito treehouse na napapalibutan ng malalagong sanga at dahon ng puno, kaya malabong makita o mapansin man lang ito, pa sekreto ko lamang ito ginawa,hindi naman ito kalakihan at hindi rin naman kaliitan sakto lang. Bumaba ako kay Severino at itinali sa punong katabi ng tree house, nasa likod ang hagdanan nito kaya hindi agad makikita o mapapansin man lang, umakyat na ako, Naka lock ito at buti natatandaan ko pa kong saan ko inilagay ang susi, kinuha ko ito sa pinag taguan ko at binuksan ang maalikabok ng pintuan, lumangitngit ang pintuan ng buksan ko ito maalikabok ang buong tree house, pero ang ibang kagamitan ay hindi dahil nalagyan ko ito ng puting tela. Sinimulan ko ng linisin ang buong sala Mona, hindi ko ba alam kong bakit ko ito nililinis, pero dahil narin siguro namiss ko ang lugar na dating tambayan ko ay gusto ko muli ito mag tambayan halos mag isang oras akong nag linis ng matapos na ako ay napasalampak nalang ako sa sofa, nag pahinga ako saglit bago naisipan linisin ang isang maliit na kwarto. Kahit ang kwarto ko ay katulad parin ng dati, mayroon ito hindi kalakihan kama sa gitna at bintana sa gilid mayroon din aparador, sinimulan ko na linisin ito mula sahig at kasuluk-sulukan bahagi ng kwarto ng matapos na ako ay pumunta ako sa kusina upang uminom ng tubig, wala kuryente ang tree house na ito tanging lampara lamang ang nag bibigay liwanag sa gabing madilim. Nang masigurado kong ayus na lahat ay bumaba na ako sa treehouse at tinanggal sa pag kakatali si Severino. Bumalik na ako sa bahay at napag pasyahan na ayusin ang ilang sira sa tree house isang buong araw kong inayos ito lahat ng sira o hindi naman mga kulang na gamit na binagyan ko na, nag dala narin ako ng solar na ilaw para hindi na ako gagamit ng lampara. Nang matapos ko na ayusin lahat ay umuwi na ako siguro upang mag pahinga, ngunit mayroon akong napansin sa harap ng pintuan, bakas na sapatos mayroon naunang pumunta doon bago ako, at sino naman ito? Bukod sakin walang nakakaalam ng treehouse nayon? Malalaman ko sino yon hindi ngayon ngunit sisiguraduhin kong mag kakatagpo din kami. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD