CHAPTER 8
TYRON POV
Habang binabaybay ko ang daan pauwi sa bahay ay hindi maiwasan pag uusap naman ni Lance.
Flashback
Nagising na lamang ako sa tunog ng cellphone ko agad ko itong kinapa at sinagot ng hindi tinitignan kong sino ito.
"Hello who this?" matamlay na sagot ko.
"Bro si Lance ito, pwedi bang ikaw muna ang mag hatid sa asawa ko, may emergency kasi sa kompanya kailangan nadoon agad ako, kaso tulog pa siya okay lang ba na ikaw ang mag hatid?" may bakas ng pag mamadali ang buses niya sa kabilang linya.
"Sige, ako ng mag hahatid sa asawa mo" tugon ko na nakapikit parin, may hang over, dahil napadami ang pag inom ko.
"Thanks bro I have to go" nag mamadaling saad niya.
Pinatay niya agad ang tawag, ilang minuto ay bumangon narin ako, naligo at nag suot ng white sando at beach short na sky blue.
Bumaba na ako para sana puntahan si Kat ng makita ko siya hindi kalayuan sa kinatatayuan ko, naka dress siya ng kulay pink na may bulaklak, naka ladlad lang ang buhok niya na tuwid hanggang balikat, tumitingin tingin siya sa palid habang nag lalakad, hindi ko maiwasan mapatitig sa kanya, ang maganda niyang kutis na medyo may kaputian, na malambot ang balat niya, ang maganda niyang mukha, ang matangos niyang ilong at ang perpekto hugis ng mga labi.
Sumasabay sa ihip ng hangin ang ilang hibla ng buhok niya, maya maya pa ay bigla niya nabundol ako, tumingin siya sa dibdib ko pataas at nag salubong ang mga mata namin, namilog ang mga mata niya at napalunok ito.
"T-tyron sorry hindi kasi kita nakita" Nakayukong saad niya.
"No it's okay, may hinahanap kaba? Kanina kapa kasi palingon ng lingon, something wrong?" Tanong ko na diretso ang tingin sa kanya.
"Ah wala hinahanap ko lang kasi si L-lance nakita moba?"
"Yes, actually maaga siyang umalis, dahil may emergency daw sa kompanya nila, saakin ka nga niya iniwan eh"
"Ah ganon ba, baka naman nakakaabala ako kayo, pwedi ka naman umalis" Nahihiya saad at medyo namumula ang pisngi niya.
"Nah, hindi naman kita pweding iwan dito at isa pa saakin ka niya binilin" saad ko habang naka ngiti.
Nasabi ko na lamang sa aking isip"Kasi sakin ka iniwan at ayaw din naman kita iwan dito".
"Grommm" tunog ng tiyan niya.
Napangiti nalang ako sa hindi malamang dahilan. " You're hungry, I think you need to eat"
"Sige antayin mo nalang ako dito, kukunin ko lang yong pera ko" saad niya akmang lalakad ito pinigilan ko.
"No. I have money here, ako na ang mag babayad" pag presenta ko .
"Nakakahiya naman sayo, wag na kukunin ko nalang" nahihiyang tugon niya.
"No, Come on, I know you're hungry, let's eat, I don't have a breakfast this morning, I'm hungry too" pang aaya ko sa kanya.
"Okay, thanks" ngiting saad niya sakin.
Nang makarating na kami ay agad kaming nag order, at parehas pa kami ng gustong pag kain, bata palang ako ay yan na ang palagi kong ipinapaluto ko.
Hinatid ko agad siya, pero habang nag mamaniho ako ay nakatulog siya, hindi ko nalang ginising dahil mahimbing ang tulog niya.
Nang nasa tapat na ako ng gate kila ay tinawag ko siya ngunit hindi siya magising kaya lumapit ako sa kanya, ngunit napadako ang tingin ko sa maamo niyang mukha, medyo naka awang pa ang labi niya, pinag masdahan mo siya ng 5 minutes ginising kuna agad siya.
Saktong pag mulat niya ay subrang lapit pala ng mukha namin sa isat isat, naka titig lang siya sakin kaya nailang ako at umiwas ng tingin sa kanya.
KINABUKASAN
Maaga akong pumasok sa office dahil marami nanamang trabaho, sa kalagitnaan ng ginagawa ko ay kumatok sa pinto at pumasok si sec luna.
"Sir ito na po ang hiningi ninyo na report about busy sa Business sa Tagaytay" sabay abot ng folder na black.
Ayon dito this month ay bumaba ng 5% ang kita nito at kumunti ang bumibili ng products, napahimas nalang ako sa ulo ko, may problema nanaman akong aayusin, I need to fix this problem, I need to go in tagaytay.
KAT POV
7:00 Pm na kami nakarating sa bahay daw niya, agad niya pinark ang kotse at bumaba kinuha niya agad ang mga bagahe at tinulungan ko din siya, tinulungan din kami ng mga katulong, inilagay lahat ng bagahe sa kwarto daw namin.
Mayroon isang matanda ang lumabas sa kusena naka apron pag ito base sa itsura niya nasa early 50s na ito at sinalubong si Lance.
"Oh, iho bumalik kana" may malaking ngiti ito sa labi.
Napatingin ito sa kanya " sino siya? Siya ba ang asawa mo?"
"Yes manang her name is Kat dito na kami titira" walang ganang saad ni Lance.
"Hello iha ako nga pala si Pina, tawagin mo nalang akong manang pina" pakilala sa aking ni manang pina.
"Ganon na eh mabuti kong ganon para naman ibang mukha ang makikita ko na araw araw, abay kumain naba kayo iho, iha?"
"Wala pa po manang"
" kong ganon tara na nakahain narin ako"
Ginaya niya kami sa dining table, madaming mga pag kain ang iba hindi ko alam ang pangalan dahil bago lang ito sa paningin ko.
"Matanong ko lang iha ilang taon kana ba abay mukhang batang bata kapa ah?"
Napangiti nalang ako kay manang nakikita ko sa kanya si nanay charlot.
"23 years old po manang pina"
"Abay matanda lang sayo ng apat na taon itong si iho"
"Talaga po?" may mangha sa sakin bago ko lang ito nalaman.
"Oo iha bakit hindi ba nasabi ni iho saiyo?"
"I'm done manang aakayat na ako"
Nang matapos na silang kumain ay tinulungan ko si manang pero ayaw niyang tumulong ako kaya't umakyat na lamang ako at iaayus ko pag ang mga gamit ko.
Mayroon 7 room dito sa pangalawang palapag ng bahay inisa isa kong pinasok ito sa pang huli room akmang bubuksan ko na ito ng kusang bumukas at lumabas si Lance, nakakunot ang noo nitong nakatingin sakin parang nag tatanong.
"Ah saan pala ang kwarto natin?"
"Here, ilagay mo nalang ang mga gamit mo sa walang laman na kabinet jan, wag mo na akong aantayin mamaya marami akong gagawin" formal nitong saad na diretso nakatingin sakin.
"Ah... Sige salamat"
Inayos ko na lahat ng gamit ko pasalamat na lang ako sa kanya dahil dinala niya ang mga maleta ko dito sa kwarto namin, kong ipag kukumpara ko ang kwarto ko sa bahay mas hamak na mas malaki ito, king size bed, kulay white and black ang theme ng gamit niya malaki din ang bathroom may sliding door glass din ito, ng matapos na ako sa pag aayos ng mga gamit ko I took bath at natulog na agad.
Pag gising ko wala si Lance sa tabi ko, "hindi ba siya natulog dito kagabi?" naitanong ko nalang sa aking isipan. Naligo muna ako bago bumaba it's 7:30 AM ng umaga, nakita ko si manang na nag huhugas ng plato, tapos na silang kumain.
"Good Morning manang pina" nakangiting bati ko sa kanya.
"Oh iha maganda umaga naman saiyo, kumain kana, gusto mo bang ipag hain kita?" pag prisenta nito.
"Wag na po manang pina kaya ko na po" saad ko at kumuha ng pag kain nasa ref, "manang si Lance po ba umalis kagabi wala po kasi siya pag kagising ko?" tanong ko habang kumukuha ng ulam.
"Hindi naman iha nasa office siya doon minsan namamalagi iyon bata na yon"
Na curious namang ako sa sinabi ni manag, "saan po manag pina 'yong office niya?"
"Sa harap ng library iha mamaya ituturo ko saiyo ipapasyal narin kita para alam mo na ang pasikot sikot dito"
" Eh ngayon umaga po ba manang umalis siya?"
"Oo iha, nag paalam siyang gagabihin daw sa pag uwi wag mo na daw siya antayin" tugon ni manang na busy sa pag huhugas.
Matapos na ako kumain ay ipinasyal ako ni manang, una iya ako dinala sa library, I nasa libo ang aklat doon subrang dami, maganda din itong tambayan dahil sliding glass door din ito sa gilid niya ang garden kaya mas mahaliwalas ito tingnan, sa harap naman ng library ang office daw ni Lance, malaki ang office niya may kabinet na nakahilera at malaking lamesa sa gitna ng silid mayroon computer at kong ano ano pa.
Nandito kami ngayon sa garden dahil maganda naman ang panahon ngayon kaya napag pasyahan namin na mag pahinga mo na doon.
Habang umiinom ng juice ay may naisip akong itanong"Manang pwedi po mag tanong?"
"Ano yon iha?" tanong ni manang pina, patuloy parin inaayus ang mga rosas ng tanim nito.
Naisipan ni manang na ayusin ang mga rosas na lumalago na kaya sinamahan ko nalang siya dito sa garden, maganda din naman ang maupo dito dahil mahangin ay nakadagdag pag ng ganda ang mga bulaklak sa mga halaman na tanim dito.
"Kay Lance po ba ito bahay na ito?"
"Oo iha sa kanya ito pero isang malaking hacienda ito, lahat ata ng kaibigan at pinsan niya nag patayo ng bahay dito?"
"Talaga po manang pina hacienda ito? Siguro po subrang lawak nitong lupain" namamanghang tanong ko.
Ngumiti si manang"Oo iha sa totoo lang pag mamay ari ito ng isang kaibigan ni iho, pero noong bata pag ay hindi mapag hiwalay silang mag babarkada kaya nag patayo sila ng mga bahay dito, hindi ko nga alam kong anong pumasok sa isipan ng mga iyon eh, tuwing bakasyon o importante okasyon lang dito 'yong kong dumalaw"
"Ganon po talaga sila m kayaman, sino po ang may ari ng hacienda ito manang?"
"Pag aari ito ng mga Madrigal, sa totoo lang iha mas mayaman ang mga madrigal kaysa pamilya Callen, pero kahit ganon ay mag kakaibigan parin sila wala silang pinag tatalunan mga bagay dahil lahat ito nasa kanila na"
"Nandito po ba ngayon ang mga madrigal manang?" curious na tanong ko.
"Wala iha sa bakasyon siguro ay uuwi dito ang pamilya nila"
Napa tango na lamang ako.
"I want to meet that Madrigal I want to know them", na pangiti ako sa aking naisip.
Itutuloy...