The Clan Plan

973 Words
Third Person. Magkasabay na pumasok ang apat na babae sa kwartong sinabi sa kanila ni Mr. Hamillton. Mukhang sinadya ni Mr. Hamillton na dun sila ilagay para walang tao at makapagplano sila ng maayos. "Ako nga pala si Shaem." Pagpapakilala ni Shaem kahit na alam nya na alam na ng iba ang pangalan nya. Gusto nya lang ng tamang pagpapakilala. "Ako si Ash tapos sya si Alex at sya si Skye." Pagpapakilala din ni Ash. "So about the clan plan?" Tanong ni Alex para basagin ang katahimikan. Umupo si Ash sa isang bakanteng upuan at sumunod din sila. "Ano yung ipapangalan natin sa clan?" Tanong ni Skye. "Fantastic Four." Suggestion ni Alex. "Old ha." Sabi ni Ash. "Alex, Ash, Skye, Shaem, AASS." Sabi naman ni Shaem. "Parang pwet naman yun. Kunin mo lang ang isang A, a*s na." Sagot ni Skye. Habang nagdidiscuss sina Skye at Shaem, may sinabi si Alex kay Ash. "Uy, nabasa mo na ba ang Let Me Be The One? Fave ko yun. Idol ko yung Mean Girls." "Mean Girls? Diba movie yun?" Tanong ni Ash. Nqpatingin naman sila kay Skye nung bigla syang sumigaw. "Alam ko na. Bakit di nalang Mean Girls ang ipangalan natin sa clan natin?" "Ay gusto ko yan!" Natutuwang sabi ni Alex. "Seryoso ka? Eh hindi naman tayo mean diba?" Di makapaniwalang sabi ni Shaem. "Ah! Tama pwede yan. Tapos imbis na tayo ang maging mean girls,--" pinutol ni Skye ang sinasabi ni Ash. "Tayo ang maghahanap ng mga mean girls!" Sabi nya tapos nag-apir sila ni Ash. "Di ko gets. Seryoso." Sabi ni Shaem. "Ganito yun, gaya nga ng sabi mo Shaem, hindi naman tayo mean so bakit mean girls ang itatawag natin sa sarili natin?" Pagumpisa ni Ash. Tumango naman si Shaem. "Kaya ang gagawin natin, hahanapin natin ang mga mean girls throughout the school tapos ilalagay natin sila sa ating version ng burn book, just like the movie." Dugtong ni Skye. "Tapos yan na ang layunin ng clan natin, ang baguhin ang mga mean girls na nasa burn book." Sabi naman ni Ash. "At paano naman yun?" Tanong ni Alex. "Yan ang di namin alam." Sabay na sagot nila. "Alam nyo, pag pinagisipan ko yung mga sinabi natin Skye, parang walang sense." Biglang sabi naman ni Ash. Tumango at sumangayon si Skye. "Bakit di nalang natin gawin na parang isang mini school yung clan natin." Suggestion ni Alex. Nagka-idea naman si Ash. "Got a problem with homework? Join our clan and we'll find the right tutor for you!" Sabi ni Ash. "Ah! Gets ko na. It's like a tutoring thing? Yeah. For example, may mag tatanong satin about their homework or something tapos maghahanap tayo ng tao na pwedeng tumulong sa kanila." Sabi ni Shaem. "Yes. So dapat, sa enrollment form, may question dyan kung saang subject ka magaling." Sabi ni Skye. "Exactly. Aren't we a good team or what?!" Sigaw ni Alex. XOXO Clan Crush kaya ako ng crush ko? Paano mag-move on? Paano mo malalaman kapag nafriendzoned kana? Mahal ko o mahal ako? Gusto mo bang malaman ang mga kasagutan sa love problems mo? O kaya gusto mo ba ng mga tips para magkaroon ka ng lovelife? Tamang tama ang clan na to para sayo! Kaya kung ako sayo, sasali na agad ako! +Enrollment Form+ Name: Codename: *optional* Year: Pass to: Founders: *Lex-09123456789 *Jam-09098765432 *Ice-09981234567 *X-09987654321 Shaem. Yung sa taas, yun yung enrollment form namin para sa clan namin. Baka gusto nyong sumali, sumali lang kayo. Jk. Di naman kayo taga Hamillton eh :P So napansin nyo naman siguro na iba yun sa plano namin kanina gusto nyo bang malaman? Wag na nakakatamad eh. Kasalanan nyo yan! Jk. Sige na nga pasalamat kayo maganda ako. Lol anong connect? Flashback 2 hours ago "Exactly. Aren't we a good team or what?!" Sigaw ni Alex. Ang hyper talav ng babaeng to. "M University nalang ipangalan natin since kailangan na nating ipalabas to ngayon, kasi baka maunahan pa tayo." Sabi naman ni Skye. Sumangayon kaming lahat at sinimulan na namin ang paggawa ng enrollment form. "Uy, nagpalabas na ng enrollment form yung isa pang grupo oh." Sabi bigla ni Ash tapos tumipon kami at sabay na binasa ang form nila. "Ay what the?!" Sigaw ni Skye. Gg talaga! Eh paano ba naman po kasi, parehas kami ng concept! "Stuck with homework? Got low grades? Need someone to tutor you? This is the right place for you." Binasa ni Ash yung nasa form nila. "Isa't kalahating bastos naman oh. Niloloko mo ba ako?" "And now were starting over again~" kanta pa ni Ash na may kasama pang paggitara nya. "Keep holding on~" kanta ko naman na dinugtungan ni Alex ng.. "Never say never~" "Napakasakit kuya Eddie~" kanta naman ni Skye at napatingin kami sa kanya. "Old ha." Sabi ni Ash. "Sorry ah. Wala na akong maisip pa eh." Sagot ni Skye. At kaya yun po another 30 mins para magisip, 1 oras ng pagkain at pag internet tapos, 10 mins para magisip naman, 20 mins para magisip ng pangalan at yun na yung resulta sa taas. Pinasa na namin yun sa mga studyante sa school. Kada cp, isang year. Kaya si Alex sa 1st years, kasi wala syang masyadong experience sa love. Tapos sa 2nd year, ako kasi kaunti lang experience ko dyan, si Ash sa 3rd kasi medyo marami na syang nalalaman dyan pero ewan ko ba kung saan nya nakukuha yan kasi sabi nya naka dalawa o tatlong bf palang sya. Ang reason kasi nya, "I do my research". Tapos last si Skye na syang naghahandle sa 4th year, given na marami na syang experience. Pero it doesn't mean na ang mga questions lang ng year na hawak namin ang pwede naming sagutin, ang ibig sabihin lang ng yun ay kami ang mag-ggm sa year na hawak namin. Gets nyo ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD