Third Person
Magkasabay na pumasok sa principal's office ang apat na babae na pinatawag.
Bakit naman kaya kami pinatawag?
Sa isip ni Shaem na naguguluhan sa pangyayari.
Maaari bang tungkol to sa COC? Eh di sila yung kasama ko?
Sabay tingin nya sa kasama nyang tatlong babae.
"Natanggap nyo na ba yung pinadala ko sa inyo?" Tanong ni Mr. Hamillton.
"Yea. Salamat nga pala dun Sir. Nagustuhan ko po. Pero wala po talaga sa plano ko yung sumali sa COC eh." Sabi ni Ash.
"Wala naman talaga sa plano nyong lahat yun. Sadyang kayo yung napili." Sagot naman ni Mr. Hamillton.
"Pero bakit po kami?" Tanong naman ni Skye.
"Simula ng pagpasok nyo dito sa paaralang ito, gumawa na agad kayo ng pangalan. Naging kilala na agad kayo sa buong campus." Sabi ni Mr. Hamillton.
Tila naguluhan naman ang apat na babae kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Mr. Hamillton.
"Ikaw Alex, diba ikaw ang kaunaunahang kumalaban sa dating queen bee dito sa school? Ikaw naman Shaem, diba ikaw ang nakabasag ng lalagyan ng mga trophy gamit yang skateboard mo. Ashecka, ikaw yung naging dahilan ng pag disband ng bandang 2dei na sikat dati. Skye, unang tao na nagsulat ng masamang article tungkol sa SC president dati."
So sinasabi mo na una palang pasaway na talaga kami ganun?
Isip isip ni Ash.
Nagpatuloy si Mr. Hamillton.
"Step by step you make your own little ways to success. Alex, naging kilala ka dahil nga sa pagkalaban sa queen bee at pinagtanggol mo ang lahat ng mga inaapi."
Oo nga no? Naalala ko pa nun nung nagaway kami nung malditang yun.
Nasa isip ni Alex.
"Shaem, sumali ka nang nagpaconyest ang school ng skateboarding. Ilang beses kang natalo pero lumalaban ka parin kapag may chance."
Haha. Nakakahiya pa nun kasi hindi pa ako masyado marunong mag skate nun.
Sa isip naman ni Shaem.
"Ashecka, naghanap ka ng mga tao na pwedeng maging kabanda mo para makasali sa Battle of the Bands dahil pagnanalo ka, may extra grades ka at kailangan mo yun."
Lol. Hassle pa nga nun kasi gusto ko puro lalake ang kabanda ko kaya pagmay nagtry-outna babae sinasabihan ko na kumpleto na kami.
Sa isip ni Ash.
"Skye, simula nung sinulat mo yung article na yun, gumawa ka na ng website at yun na ang naging simula."
Nahirapan pa nga akong mag-search sa google kung paano gumawa ng website.
Isip naman ni Skye.
"At lahat ng yun naging dahilan kung ano kayo ngayon."
"Ano po ba kami ngayon eh, di naman kami malayo sa dati eh." Sagot ni Shaem.
"Haay naku. Umoo nalang kasi kayo para matapos tayo dito!" Frustrated na sigaw ni Mr. Hamillton. Pero sa isip nya, Patagalin nyo pa para humaba naman ang screen time ko dito. Minsan lang ako lumalabas sa storyang ito eh.
"Kayo na ang bagong leaders ng COC. Pupunta kayo sa 4th floor sa may pinakahuling room sa kanan at dun nyo pagpaplanuhan kung paano nyo palalakarin ang clan nyo. Kayong bahala sa pangalan, sa activities nyo, lahat. Ok?" Sabi ni Mr. Hamillton at may inilabas syang apat na box. Sa loob nito may mga cellphone.
"Yan ang gagamitin nyo para sa COC. Inyo na yan. Dyan nyo isesave lahat ng contacts. Para lang yan sa COC okay. Tsaka wag kayong magalala, may load na yan. Pwede na kayong umalis. Excused na kayo ngayong araw kaya magplano na kayo."
Umalis na ang apat na babae sa principal's office at tumungo na sa kwartong pagpaplanuhan nila.