Ash. "Can I have this dance?" Tanong nya tapos inilahad ang kamay nya. Syempre tinanggap ko yun tapos nagtungo na kami sa dance floor. Sumayaw kami dun, sinasabayan namin ang kantang First Dance ni Justin Bieber. Nagulat ako nang bigla nya akong niyakap. "Bakit? May problema ba?" Tanong ko sa kanya. "Pag niyakap kita, may problema na agad? Hindi ba pwedeng pinapakita ko lang sa mga lalakeng nakatingin sayo na akin ka?" Sagot nya naman. Ay ganun? Haha. Kilig naman ako. Ewan ko ba kung ilang sako ng asukal ang naubos nitong si Ken na to. Simula palang nung niyaya nya ako dito sa prom kulang nalang langgamin kami eh. "Haay. Tara na nga. Kumain na tayo at nagugutom na ako." Sabi nya tapos hinila ako papunta sa buffet table. Kumuha kami ng mga pagkain dun tapos bumalik kami sa table namin

