Third Person. "I would like to thank the academy for this award. Chos! Wala akong masabi eh. Sabi nila magsulat daw ako pero wala din eh. Kaya eto, adlib ang peg ko ngayon. Actually, hindi ko talaga inaasahan na magiging valedictorian ako kaya, in a state of shock parin ako ngayon. Pero una sa lahat at hindi sa huli, gusto kong pasalamatan ang google for always having answers to my questions. At sa kung sino mang tao na nag-imbento ng copy and paste, pagpalain ka sana! Gusto ko ring pasalamatan ang parents ko sa pagbibigay ng walang humpay na baon sakin, sa mga kaibigan ko na pinakopya ako ng mga assignments, sa mga teachers ko na sinabihan ako na cheating is bad pero ginawa ko parin. Sorry. At--" naputol ang sinasabi ng dalaga nang biglang may magsalita. "Hoy, Ashecka Ice Gil, wag ka na

