Skye. Haay. Ano kayang nakain ni Toffer nun? Ang weird. Bakit? Ibig sabihin ba nun, mahal nya pa ako? Ay gag*! Sinabi nya na yun nung nasa Paris kami diba? Pero akala ko naman-- Aish! Eh ako? Bakit ganun yung naramdaman ko? Bakit... Bakit parang tumibok ulet puso ko para sa kanya? Flashback "Umayos ka nga, Toff. Di tayo matatapos nito eh!" Naiinis na sigaw ko. Kanina pa kasi kami dito at wala akong nakuhang matinong sagot sa kanya eh. Tumango lang sya ulet. Ay asdfghjkl!! Tinapon ko ang mga papel na hawak ko sa sahig. Naiinis ako eh. "Bahala ka nga dyan! Tanong ako ng tanong, puro lang--" tumango ako, "o kaya--" umiling ako, "ang sinasagot mo!" "Eh kasi naman mga walang kwenta yang mga tinatanong mo. Umupo ka nga at sasampolan kita ng mga tamang tanong." Sabi nya tapos hinila ako p

