Skye.
"So, ikaw pala ang leader?" Tanong ko sa kanya.
Tumango lang sya. Kanina pa yan eh. Tatango lang, iiling, tatango, tapos iiling. Parang pipi. Tsk.
"Unbelievable." I muttered under my breath. Lol. English yun ah. Edi wow.
Tinignan nya lang ako ng masama. Di ko pinansin yun at nagtanong ulet.
"Excited ka na ba para sa contest?" Tanong ko tapos umiling lang sya.
Haay. Mukhang matatagalan pa tayo dito. Dun na nga lang muna kayo!
Shaem.
Kalma ka lang dyan kay Toffer, Skye. Haha. Mabuti ka pa nga kasi tahimik ang kasama mo. Tong kasama namin, haay nako..
"Ayoko nga!"
"Bakit nga?!"
"Ayaw ko eh, bakit ba?!"
"Para ka namang bata, Ice eh!"
"Para ka namang tatay ko, Ken eh!"
"Sige na kasi!"
"Ayoko nga!"
"25 pesos lang naman yan ah!"
"Oo nga, 25 pesos lang, eh bakit ayaw mong bayaran?!"
"Eh--"
"Oh ayan, manahimik na nga kayo!" Biglang sabi ni Xave sabay bigay ng 50 sa harap nila.
"Keep the change?" Sabay na tanong nila.
"Oo na! Manahimik lang kayo!" Sagot ni Xave. Umalis na yung dalawa para bumili ng coke float.
"Xave!" Sabay na sigaw nila mula sa counter. Mga walang hiya. Literal talaga na walang hiya.
"Ano?!" Naiinis na sigaw ni Xave. Haha. Ang cute nya.
"Kulang ng 4 pesos!" Sabay ulet na sigaw nila. Juice colored! 4 pesos lang?! Di pa nila ma-- oh my gad.
Tumayo si Xave tapos galit na nilapitan sila. Sinigawan ni Xave yung dalawa tapos binigay yung credit card nya. Ang lalaki naman ng mga ngiti nung dalawa.
Bumalik sa pag-upo yung dalawa pati narin si Xave. Umorder na pala sila ng pagkain. Konti lang naman. Pero syempre, present yung dahilan ng lahat, ang dahilan kung bakit nainis si Xave at binigay nya ang cred nya sa dalawang yun, ang coke float.
Boring yung pagkain namin. Walang exciting na nangyari ngayong araw kaya move on na tayo.
Alex.
Sabado ngayon at napagpasyahan naming pumunta sa star city. Pero kanina pa kami gumala. Ngayon lang ako nag-narrate ng pangyayari kasi walang exciting sa eksenang yun.
Ginamit ni Lanz yung van nila kaya eto kami ngayon, paparating na sa star city. Nagpark si Lanz tapos pumasok na kami.
Syempre, inuna namin yung sikat na Snow World.
"This is not what I expected." Sabi ni Ash habang nakakapit kay Ken. Ang lamig kasi dito eh, sobra. "Snow world, tapos walang snow?!" Sigaw pa nya.
Wala kasing snow eh. Puro lang mga ice sculptures. Tapos may mahabang, as in mahabang ice na slide. Sasakay ka sa parang salbabida-pero hindi salbabida-tapos yun, magsa-slide ka.
Tapos hindi pa pwedeng magpapicture. Yung cp mo ilalagay mo sa plastic. Mag mumulta ka kapag nagpapucture ka dito sa loob. Pero kung gusto mo ng picture, meron namang photographer dito, tapos yun, magbayad ka para may picture ka.
"Aaaaaaahhhhhhhhhh!"
"Sus, disappointed daw." Sabi ni Lanz nang nakatingin kina Ash at Ken na nagsa-slide na. Speaking of Ash, kapamilya nya nga pala to! Kasi diba nasa ice kami tapos Ice yung pangalan-- ok corny na.
Paglingon ko, wala narin sina Xave at Shaem, nandun narin sa Ice. Edi sila na.
Hinipan ko ang mga kamay ko. Nanlalamig kasi ako ng bongga eh. Nagulat naman ako nang bigla akong akbayan ni Lanz.
"Tara, slide tayo." Sabi nya tapos umakyat na kami papunta sa slide.
Toffer.
Naiwan na naman kaming dalawa. Seryoso ka ba tadhana?! Tsk. Umayos ka nga tadhana ah, baka matadyakan kita.
Nakita ko syang nakaupo sa may bench habang hinihipan ang mga kamay nya. Ginaw na ginaw na sya oh.
Lumapit ako sa kanya tapos tinabihan sya. Nagtatakang tumingin naman sya sakin pero iniwas nya rin agad tapos bumalik sya sa pagpapainit sa satili nya.
Kawawa naman. Hinubad ko ang jacket ko, na free lang sa Snow World pero isosoli mo paglabas, sa kanya. Nilalamig sya eh. Tapos pinatong ko ito sa kanya.
Tinignan nya ako tapos ngumiti. Damn, I miss those smiles.
Pero takte, nagsisisi akong binigay ko sa kanya ang jacket ko. Naka t-shirt lang kasi ako eh, kaya hinablot ko mula sa kanya yung jacket at sinuot ko ule yun.
Ako naman ngayon yung nilalamig ng sobra grabe! Tanga ko. Nagulat ako nang niyakap nya ako.
"Bago ka na naman mag-wala at mag-speech dyan, nagmamalasakit lang ako, okay? Baka maging yelo ka dyan." Sabi nya nang niyayakap parin ako.
Kinilig naman ako dun.
Xavier.
"Babe, nilalamig ako." Sabi ko na may paluhod luhod pa habang niyayakap ang sarili ko.
Gusto ko kasing yakapin nya ako tulad ng ginawa ni Skye kay Toffer eh.
Pero waepek. Tinulak lang nya ako.
"Mukha mo." Sabi nya pa.
Haay. Ano bang gagawin ko sa kanya? Bakit ba hindi nya nalang ako sagutin diba?
Naglakad na sya palayo sakin kaya sinundan ko na sya. Lumapit pala sya kina Ken.
"Tara na, nilalamig na ako." Sabi ni Shaem tapos hinila hila si Ash. Lumapit narin sina Alex at Lanz samin.
"Ako nga rin eh." Sabi ni Alex. Niyakap naman sya ni Lanz. Normal lang naman sa kanila yan. Pero ngayon, may iba eh. I smell something fishy.
Binitawan ni Shaem si Ash at nakita kong niyakap din ni Ken si Ash. Tong dalawang to.. haay naku.
I'm lucky I'm in love with my bestfriend~
"Nasan sina Toff?" Tanong ni Lanz nang nakaaakbay kay Alex.
"Ayun nagmo-moment." Sagot ko tapos nilagay ang mga kamay ko sa bulsa ko. Ayaw payakap ni Babe ko eh.
Alex.
Lumabas na kami sa Snow world, at dahil may mga All you can ride braclet kami-actually, hindi naman talaga bracelet, parang papel lang na pinaikot sa wrist mo-syempre, sasakyan namin to lahat.
Grabe oh, walang tao sa Star Flyer. Teka, star flyer nga ba ang tawag dun? Basta, yung roller coaster. Kayo na bahala kung tama ba yun. Nakalimutan ko pangalan nun nung sumakay kami dun eh--
"Aaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!" Sabay na sigaw naming walo. Oo, pati ang tahimik at cold na Toffer, sumisigaw.
Nung matapos ang ride, hilong hilo kaming walo. Haha. Rhyme.
"Lex, tara!" Sabi ni Lanz tapos hinila ako papunta sa horror room na nakalimutan ko ang pangalan. Kasi naman---
"Waaaaaaaahhhhhh! Shxt! Layuan mo ako~"
Hindi po ako yun. May sumigaw po na lalake sa likod namin, opo, lalake. Tapos yung last part, kinanta nya. Yung sa kantang, Oh tukso~ layuan mo ako! Yun parang ganun.
"Aaaaaaaahhhhhh!!!!! Ang papanget nyo! Lumayo nga kayo!"
Sumigaw na naman ang lalake. Sino ba to?! Ang bakla--
Ahh. Kaya naman pala. Si Ken lang pala. Juice colored. Kelan ba kami magkakaroon ng alone time ni Lanz?!
Ken.
"Tell me why, ain't nothing but a heart ache~"
"Naku, wala akong kinalaman dyan noh."
"I believe I can fly~"
"Geh, push mo yan."
"Ayoko sana!! Na ikaw ay mawawala!"
Pinigilan ko sya bago pa sya magsalita.
"Subukan mo talagang putulin pagkanta ko! Hahalikan kita." Nagbabantang sabi ko. Pero waepek, tumawa pa nga sya.
"Sige na nga, kumanta ka na. Pero yung bagong kanta naman." Sabi nya ng nakangiti.
Hinawakan ko ang mga kamay nya tapos nagsimulang kumanta.
"When your legs don't work like they used to before.
And I can't sweep you off of your feet.
Will your mouth still remember the taste of my love
Will your eyes still smile from your cheeks."
Tapos pinisil ko ang cheeks nya. Ang cute nya talaga.
"Darling I, will be loving you till were seventy
Baby my, heart could still fall as hard at twenty-three
I'm thinking bout how, people fall in love in mysterious ways
Maybe just the touch of a hand
Me, I fall in love with you every single day
I just wanna tell you I am
So honey now, take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
I'm thinking out loud, maybe we found love right where we are.."
Alam ko na talaga. Alam ko na na mahal ko sya. Dahan dahan kong nilapit ang ulo ko sa kanya... dahan dahan... dahan--
"Ewe. Excuse me, may kumakain dito oh."
Napatigil naman ako dun. Tapos napatingin sa paligid ko..
Oo nga pala...
Nasa foodcourt kami.
Panira ng moment.