Ken.
Sobra na sa one week na hindi ko sya pinapansin. Kasi naman tong kainis kong feeling na to eh. Hindi naman sa naiinis akong naiinlove ako kay Ice. Pero naman kasi, paano kung hindi pang more than friends ang feelings nya sakin. Tapos pag nag-confess ako, edi mao-awkward sya sakin tapos edi lalong lalayuan nya ako! Naman--
"Ken, one fourth nga." Sabi ni Ice pero hindi ko sya pinansin, "Hoy, Ken." Di ko parin pinansin, "Hoy."
Umiwas na sya ng tingin sakin, sigurado nainis na yan. Binigay ko sa kanya yung one fourth ko. Isa nalang to eh pero okay lang yun, sa kanya naman napunta. Hihingi nalang ako sa iba.
"Thanks." Sabi nya. Di ko parin pinansin. Kahit gusto ko na. Miss ko na sya eh. Tong kaartehan ko kasi eh. Tsk.
Nagsimula na si Maam sa pagsabi ng mga questions sa quiz, pero wala naman akong masagot.
Nagulat ako nang biglang hablutin ni Ice ang papel ko. Tsk. Wala rin namang laman yun eh.
"Gil! Billiones! Detention, now!" Sigaw ni Maam. Anyare kay Ice, usually magaling syang mangopya nang hindi nahuhuli ni maam eh.
Lumabas na kami ng classroom at nauna akong maglakad. Syempre, iniiwasan ko nga sya diba? Naloloka kasi puso ko pagmagkasama kami eh. Peste.
"Ano ba?!" Sigaw ko nang pigilan nya ako. Syempre galit galitan ang peg ko. "Ano bang kailangan mo sakin?! Pinade--" napatahimik ako nang hawakan nya ang kamay ko.
Eto na naman tong puso ko, magwawala na naman oh. Manahimik ka nga baka marinig ka nya!
Nakarating kami sa third floor. Aba! Himala! Nakayang pumunta ni Ice dito! Takot na takot kasi sya sa lugar na to ng school eh. Mukhang seryoso sya ngayon ah. Tumigil kami tapos hinarap nya ako.
Mukhang galit sya ah. Dalawang beses ko lang sya nakitang ganito kagalit. Yung una nung naghiwalay mga magulang nya tapos eto yung ngayon.
"Bakit di mo ba ako pinapansin?! Bakit mo ba ako iniiwasan?! May nagawa ba akong mali?! Ano?! Magsalita ka naman oh! Alam mo, nagagalit ako sayo!" Sigaw nya sakin. Galit rin naman ako sa sarili ko eh. Di pa sya nakuntento, sumigaw pa sya ulet.
"Galit na galit ako sayo kasi ilang araw mo akong iniiwasan nang hindi ko man lang alam kung ano yung problema mo sakin! Galit ako sayo kasi parang nababaliw ako kapag wala ka! Feeling ko kulang ang bawat araw ko nang wala ka! Parang ayaw ko nang magising sa umaga kasi alam ko na hindi mo rin naman ako papansinin! Ewan ko Ken, pero tingin ko mahal na yata kita! Ewan ko kung paano at bakit, pero mahal yata kit---"
Di ko sya pinatapos, hinawakan ko ang mga kamay nya.
"Mahal mo ako?" Tanong ko sa kanya. Fxck shxt tong puso ko, parang sasabog na.
"Ewan ko. Siguro." Sagot nya nang hindi nakatingin sakin. Hindi yun yung gusto kong sagot pero pwede narin. At least diba?
"Kasi, Ice.." takte kinakabahan ako, "Kasiakorinmahalyatakitaeh." Mabilis na sabi ko.
"Ano?" Tanong nya. Nakatingin na sya ngayon sakin. Kainis. Mas lalong nagwala ang puso ko.
"Tingin ko kasi mahal na rin kita." Dahan dahan kong sabi nang hindi nakatingin sa kanya.
Nagulat ako nang tumawa sya bigla. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya.
Ano namang nakakatawa? Tsk tsk.
"Bakit?" Tanong ko. "Anong nakakatawa?"
Tumigil muna sya sa kakatawa bago nagsalita, "Mukha kasi tayong tanga."
Ano daw? Bakit naman nya nasabi yan? Bakit kami nagmukhang tanga?
"Sa hinaba haba ng mga taon na magkasama tayo, ngayon pa tayo nagkahiyaan." Sabi nya. Oo nga noh.
"Tara na nga." Sabi nya tapos hinila ako, "May detention pa tayo."
"Teka," pinigilan ko sya, "Paano na tayo?" Tanong ko. Napatingin naman sya sakin. May pagka-slow pa naman to minsan.
"I mean, ano na? Kumbaga, ano na ang real score sating dalawa? I mean, ano nang mangya--" tinakpan nya ang bibig ko tapos tumawa pa sya.
"Chill lang tayo ngayon, okay? Tutal di pa naman tayo sure." Sabi nya.
"MU?" Tanong ko naman.
"Pwede na." Sagot nya ng natatawa.
Skye.
"Oy, saan kayo pupunta?" Tanong ni Shaem sa kanila ni Ash. Umalis nalang kasi sila bigla eh.
"Dyan lang sa mall." Sagot naman ni Ken.
"Sama kami." Sabi ni Alex.
"Di ako pwede eh. May kailangan daw akong interviewhin." Sabi ko sa kanila. May debate competition kasi dito sa school. Eh kailangan kong interviewhin yung isa pang leader. Natapos ko na yung isa nung isang araw kaya yung isa naman. Para to sa website ng school.
"Di ako pwede, busy ako." Sabi naman ni Toffer tapos umalis na. Oo, tinatawag ko na syang Toffer. Lol.
"Kayo?" Tanong ni Alex kina Lanz, Xave at Shaem.
"Tinatamad ako eh." Sabi ni Lanz tapos umalis narin sya. Uso walk out?
"Sama kami ng babe ko." Sabi ni Xave tapos inakbayan si Shaem. Tinignan naman ni Shaem si Xave tapos inalis yung kamay nya.
"Sabi nang wag mo akong tawaging babe eh." At dun na nagsimula ang pagtatalo nila kung dapat nga bang tawagin ni Xave si Shaem ng babe.
"Di nalang ako sasama." Biglang sabi ni Alex.
"Sus, dilang sumama si Lanz di ka narin sasama." Sabi ni Ken.
"Ikaw pa nga tong gustong sumama kanina eh!" Sabi naman ni Ash tapos nag-apir silang dalawa ni Ken. Pero pag-apir nila, di na kumawala ang kamay nila, nanatiling magkahawak na.
Okay lang naman siguro yan kasi bestfriends sila. Pero nagdududa na ako sa friendship nila eh. Parang more than. OMG! Friends with benifits?!?! Dun dun dun dun~ Haha. Jk.
Di na nagsalita si Alex tapos nagwalk out din sya. Ako rin kaya? Uso eh.
"Eh hindi mo naman kasi ako girlfriend. Bakit mo ako tatawaging babe?"
Sige nga, mag wo-walk out na ako.
"Edi liligawan kita!"
Omg. Balik muna! Balik! Tumabi ako kay Ash tapos tinignan lang namin sila.
"Ha?" Namumulang sagot ni Shaem. Omg. Ngayon ko lang nakitang natameme si Shaem. Tsaka, magandang headline to! Campus Casanova, seryoso na?!
"Sabi ko, liligawan kita." Sabi ni Xave.
"Sus, wag mo nga akong pagtripan." Sagot ni Shaem.
"Bahala ka. Basta ako, liligawan kita. It's not a question. Okay?" Tapos ngumiti si Xave ng sobrang lapad, naging kamukha nya na yung pusa sa Alice in Wonderland.
"Ako, di mo ako liligawan?" Tanong ni Ash kay Ken kaya nabaling naman ang attensyon namin sa kanila tapos ako naman, napabitaw kay Ash.
"Sasagutin mo rin naman ako eh." Sagot ni Ken sabay kindat.
"Kahit na noh. Iba parin yun." Sagot naman ni Ash. Silang dalawa na ba?! Bakit di ako informed?!
"Eh diba nanliligaw ang isang tao sa isa pang tao para makilala nila ang isa't isa?" Sabi ni Ken. Ganun ba yun? "Eh kilala na kita eh! Favorite color mo black, gray at pink. Pero hindi yung girly pink kundi yung punk pink. Gusto mo yung dark chocolate. Nacocornyhan ka sa flowers. Takot ka sa kahit anong hayop. Tapos--"
Pinatahimik ni Ash si Ken gamit ang—nope, hindi gamit ang paghalik, okay?—gamit ang isang daliri nya.
"Edi wow." Sabi lang ni Ash.
Magandang headline din to, Campus Bestfriends, going into the next level?!
Speaking of headline, may iinterviewhin pa nga pala ako!
Di na ako nagpaalam sa kanila at tumakbo na ako papunta sa office. Dun ako magiinterview eh.
Pagpasok ko sa office nagulat ako sa sumalubong sakin.
"Ikaw?!"