Good Mood

998 Words
Ash. Another boring day in the boring school of my boring life. Haay. Nakakatamad talagang mabuhay. Chos! Syempre naman mahal ko pa buhay ko noh. Hmp! Nasa classroom kami ngayon. Isang linggo na simula nang makauwi kami mula sa Paris at isang linggo na rin simula nang hindi ako pjnansin ni Ken. Actually mahigit sa isang linggo. Ewan ko nga kung bakit hindi nya ako pinansin eh pero simula nung nagwalk-out kami nun sa Paris, nung tumakbo sya pabalik sa kwarto, yun! Simula nun. Hindi lang na hindi nya ako pinapansin, iniiwasan nya talaga ako! As in iniiwasan. Ewan ko ba anong problema nyan. Yung pinakamatagal naming hindi nagpapansinan 1 oras lang eh. Ngayon, ewan ko ba dyan kung paano nya ako nasisikmura. Haay. Ano ba to? Puro nalang ako ewan. Ewan ko ba. Hahaha. Pumasok na yung teacher namin sabay sigaw ng, "Pop quiz!" Homaigad. Di ako prepared. Tong si maam na to, ang hilig mag pop quiz, di naman nagle-lesson tapos parating absent. Tsk tsk. "Ken, one fourth nga." Sabi ko pero di nya ako pinansin, "Hoy, Ken." Wala parin, "Hoy." Tsk. Kabwisit. Edi-- "Thanks." Sabi ko. Inabutan nya kasi ako bigla ng one fourth kaya di ko natuloy ang pagreklamo ko. Pero di parin nya ako pinapansin eh. Nakakainis. Kailangan ko syang kausapin. Paano kaya? Ah! Sinakto kong tumingin sakin si Maam tsaka ko hinablot ang papel ni Ken. "Gil! Billiones! Detention, now!" Sigaw ni maam. Just like what I had planned. Boring kasi pag hinintay ko lang na matapos ang klase. Walang thrill. Tsaka, wala akong masagot sa quiz eh, bakit ba? Lumabas kami ng classroom at nauna syang maglakad. Pinigilan ko sya. "Ano ba?!" Parang natataeng sigaw nya. Haha. Yung sumisigaw sya pero pilit nyang hinihinaan yung boses nya kasi. "Ano bang kailangan mo sakin? Pinade--" di nya natapos ang sinasabi nya kasi hinawakan ko ang kamay nya tapos hinila sya papunta sa third floor. May part kasi dun na parang abandoned kasi may mga multo daw pero wala akong pakialam, okay?! Ang importante makausap ko tong walang hiyang bestfriend ko na to! Kahit na takot na takot na ako! Hinarap ko sya nung makarating kami dun. Galit ako okay? Galit na galit. Hindi ako sanay na wala sya. Namiss ko yung pangungulit nya. Yung katangahan nya. Yung kapilyohan nya. Yung kalokohan nya. Namiss ko sya. Ok? Miss ko na sya. "Bakit di mo ba ako pinapansin?! Bakit mo ba ako iniiwasan?! May nagawa ba akong mali?! Ano?! Magsalita ka naman oh! Alam mo, nagagalit ako sayo!" Sigaw ko sa kanya. Nakatingin lang sya sakin. Di pa ako nakuntento sa speech ko kaya dinagdagan ko pa. "Galit na galit ako sayo kasi ilang araw mo akong iniwan nang hindi ko man lang alam kung ano yung problema mo sakin! Galit ako sayo kasi parang nababaliw ako kapag wala ka! Feeling ko kulang ang bawat araw ko nang wala ka! Parang ayaw ko nang magising sa umaga kasi alam ko na hindi mo rin naman ako papansinin! Ewan ko Ken, pero tingin ko---" Shaem. "Babe." Sabi ni Xave sa tabi ko. Lunch na kasi ngayon eh. At nakaupo kaming anim dito sa usual table namin. Anim lang kami kasi simula nung pinaalis kanina sina Ash at Ken di na sila bumalik eh. Di rin naman nagtext. "Wag mo nga akong i-babe babe dyan! Kainis ka na ah. Tigilan mo ako bago kita mabigwasan dyan." Sagot ko. Malapit nalang kasi eh. As in malapit nalang talaga, mai-inlove na ako dito kay Xave eh. Pero natatakot din ako kasi, hindi naman sya siguro makikilala bilang Casanova Prince para sa wala diba? Syempre may dahilan yun. Oo, sweet nga sya sakin pero naman diba? Malay natin, pinagti-tripan lang ako nyan. Tsk. Bwesit kasi tong si Xave eh. "Skye~" sabi ni Alex, "Samahan mo kasi ako~" "Busy nga ako eh." Sagot ni Skye nang hindi inaalis ang tingin sa cp nya. "Ano ba kasi yan?" Naiiritang tanong ni Alex. "Nag-uupdate ako sa school website." Sagot ni Skye. "School website?" Tanong ni Alex, "Ikaw nagsusulat ng mga article dyan?!" Napatingin naman si Skye kay Alex, "Oo bakit?" At dun na nagsimula ang pagtatalo nila tungkol sa ginawa daw na article ni Skye kay Alex nung panahon pa ng elections for student council president. Matagal naman nang natapos yun eh. At natalo si Alex. Yup. It's the middle of November na eh. Oo, ang bilis lang nang mga araw noh? Ang bilis ng story na to. Haha. "Hi guys!" Napatingin naman kami sa likod namin, kung saan nanggaling ang nagsalita. "Kamusta?" Sabi ni Ken. Silang dalawa lang naman ni Ash. Nagkaayos na sila? Mabuti naman kung ganon. Ang weird pag hindi sila magkabati eh. Pero bakit parang mas malalaki ang mga ngiti nila kesa sa usual? "Anyare sa inyo?" Tanong ni Xave, "Kanina lang nagiiwasan pa kayo eh." Nagkatinginan silang dalawa tapos ngumiti. Tapos tahimik lang silang umupo. "Care to explain?" Tanong ni Lanz tapos sumubo ng fries nya. Magsasalita na sana si Ken kaso biglang dumating si Lorraine. "Lanz, we need to talk." Sabi nya. "Excuse me, eksena dapat namin ngayon to oh." Sabi naman ni Ash pero nakangiti parin sya. Ganda ng mood nya ah. "This is none of you business so shut up." Pagtataray lang nya kay Ash. "Hoy bakulaw na impakta," sabi ni Ash tapos tumayo at hinarap si Lorraine, "Umayos ka nga. I don't want to deal with you and your bxtchiness right now kasi maganda mood ko." Tapos umupo na sya. Nagkatinginan ulet sila ni Ken tapos nagngitian. Ano ba talaga ang meron sa kanila? "Umalis ka nalang Lorraine." Sabi ni Lanz. "Ano Lanz? Tatalikuran mo nalang ako? Pagkatapos mo akong buntisin?!" Sigaw ni Lorraine. Nagtitinginan na ang mga tao ngayon. Gg din to eh. Parang ipinagsigawan nya rin na nakipag-s*x sya kay Lanz. "Manahimik ka nga Lorraine! Kahit kelan hindi ako nakipag-s*x sayo!" Sigaw din ni Lanz. Haha. Pahiya si Lorraine. Tumakbo sya papalayo ng umiiyak. Haha. Best actress. Bigyan ng piso yan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD