Luh Pregnant Daw

1233 Words
Toffer. "Nakakahiya ka Toff." Sabi ni Xave sakin. "Parang ayaw kitang kilalaning kaibigan dre." Sabi naman ni Lanz. Si Ken naman, nakangiti. Tapos kunyare nagpapahid daw ng luha. Tapos niyakap nya ako. "I'm so proud of you." Kumawala sya sa yakap tapos hinawakan ang magkabilang balikat ko, "Marunong ka nang magdrama." Tapos inakbayan nya kaming dalawa ni Lanz, "Kayong dalawa." May pahalik halik pa sya sa noo namin. Tumingin sya kay Xave. "Ikaw kelan mo balak magdrama?" Inalis ni Xave ang tingin nya sa salamin. "Hindi nagda-drama ang mga gwapo no." Tapos bumalik sya sa pag-ayos ng buhok sa salamin. Grabe. Nakasirado naman ang mga bintana dito pero bakit ang lakas ng hangin?! Umalis si Lanz sa akbay ni Ken, "Ako lang naman ang pinakagwapo dito, baka nakakalimutan mo." Syempre patalo ba naman ako? "Sakin nagsimula ang angkan ng mga gwapo." Sabi ko sabay pogi sign pa. Cold ako pero makulet din noh. Tinignan namin si Ken. For sure may hirit din yan. "Hahaha! Nakakatawa kayo." Sani nya tapos hinawakan pa ang tyan at pinahiran ang imaginary luha nya, "Sabagay, libre lang naman mangarap." Pinatong nya yung isang paa nya sa upuan tapos nag-pose, "Eh kung di ako pinanganak, malamang di naimbento ang salitang gwapo." At as if napagpraktisan namin, sabay sabay kaming tatlong nagkunwaring nasusuka. "Sus. Inggit lang kayo." Sabi nya tapos lumapit sa mic stand. "Practice na nga tayo ulet." Lumapit na ako sa drum set, si Xave sa electric guitar tapos si Lanz sa bass. "Teka, nasan si Ash?" Tanong ko. May part kasi sya sa kanta namin eh. Playmates ft. Ash kasi eh. Haha. Hold on Till May kasi ng Pierce the Viel ang kakantahin namin. Eh may part dun ng babae kaya sya pakakantahin namin. "Ok lang yan. Paakyat na daw sila eh." Sagot ni Ken tapos binulsa yung cp nya. Siguro tinext sya ni Ash. Nagsimula sa kay Xave tapos dinugtungan ko tapos nagblend si Lanz at kinantahan na ni Ken. "She sits up high Surrounded by the sun. One million branches And she loves everyone." Maganda tong kantang to eh. Isa sa mga paborito ni Xave to. Punk kasi sya eh. "Mom and Dad Did you search for me? I've been up here so long I'm going crazy." Type ko tong chorus na part eh. "And as the sun went down We ended up on the ground. I heard the train shake the windows You screamed over the sound. And as we own this night I put your body to the test with mine This love was out of control- 3-2-1, where did it go?" Pumasok na sina Ash, Shaem, Alex at sya. Grabe parang gusto kong tumakbo paalis dito sa hiya. Ewan ko rin kasi kung bakit ko ginawa yun eh. "Now don't be crazy Yes now, of course you can sit here Been touring band for going on ten years..." Yung last part si Xave yun nag second voice. Si Ash pumwesto na sa tabi ni Ken. Hinintay nya lang ang part nya. "Big deal, she said I guess you're official. I only said it 'cause I know what it's like to feel." Tapos nag-scream si Xave. "Burned out.." Balik naman sa pagkanta si Ken. "It gets you down We've allbeen there sometimes But tonight, I'll make you feel beautiful once again. And as the sun went down We ended up on the ground I heard the train shake the windows You screamed over the sound. And as we own this night I put your body to the test with mine This love was out of control- 3-2-1, where did it go?" I put your body to the test with mine? Try ko kaya yun kay-- Ay! Ano ba tong iniisip ko. "If I were you, I'd put that away... See, you're just wasted And thinking 'bout the past again Darling, you'll be okay.. She said," Tapos si Ash na ang kumanta.. "If you were me, you'd do the same... 'Cause I can't take anymore I'll draw the shades and close the door Everything's not alright And I would rather." Tapos nag-instrumental muna.. Last chorus nalang tapos, tapos na kami. "And as the sun went down We ended up on the ground I heard the train shake the windows You screamed over the sound And as we own this night I put your bodyto the test with mine This love was out of control- Tell me, where did it go?" At dun natapos ang praktis namin. Di naman yan namin kailangan eh. Kahit di kami mag-praktis, ayos parin kami. Lol. Yabang. Alex. "Ash, pasama ako." Sabi ko tapos hinila hila ang braso nya. "Ayoko nga." Sagot nya. "Tinatamad ako." Binitawan ko sya tapos tinignan si Ken na nakaupo sa tabi nya. "Naku wag mo akong tignan ng ganyan! Di kita sasamahan." Sabi nya. Haay. Napatingin ako kina Xave at Shaem pero iniwasan lang nila ako ng tingin. Si Xave tulog. Si Skye may ginagawa sa cp nya. Pwede naman siguro sya. Nilapitan ko sya pero bago pa man ako makapagsalita, tinignan nya lang ako tapos binalik ang tingin sa cp nya. "Busy ako okay?" Sabi lang nya. Haaaay~ Buhay. Nakita ko si Lanz na palabas nang hotel room. "Lanz! Saan ka pupunta?" Tanong ko tapos kumapit sa braso nya. Lumabas na kami ng kwarto. "May pupuntahan lang ako sa mall." Sagot nya. "Ano?" Tanong ko. Hindi sya sumagot. Parang naging uneasy sya. Bakit naman? "Sino?" Mabagal na tanong ko ulet. "Si Lorraine kasi pumunta dito eh." Sabi ni Lanz ng hindi nakatingin sakin. Napabitaw naman ako sa braso nya. "Nandito na naman sya? Anong ginagawa nya dito?" Tanong ko. Punyat*ra yung babaeng yun, anlakas talaga mangbadtrip. "Kakausapin nya daw ako eh." Sabi nya. Paano naman yun nakapunta dito? Eh diba poor yun? Totoo naman. Poor talaga yun. "Samahan na kita. Kung okay lang." Sabi ko. Pumayag naman sya kaya sabay kaming pumunta sa mall. Nakita namin syang nakaupo sa isang upuan dun sa foodcourt. Cheap ah. Foodcourt lang? Nilapitan namin sya. Nung makita nya si Lanz lumaki yung ngiti nya tapos nung makita nya ako, biglang parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha nya. "Anong ginagawa nya dito?" Mataray na sabi nya. "Bakit ba?" Mataray din na sagot ko. Syempre, patalo ba naman ako? "Ano na bang sasabihin mo sakin para matapos na to?" Tanong ni Lanz. Umupo kaming tatlo dun sa table nya tapos nagsimulang magsalita si imapkta. Hinawakan nya ang mga kamay ni Lanz na nakapatong sa table. "Babe, I'm sorry. Nagkamali ako at na-realize ko na ikaw pala talaga ang mahal ko. I'm sorry talaga. Please come back to me." Sabi nya. "Ano? Narealize mo na wala ka nang supplier ng mga gamit mo? Wala ka nang pambili ng mga gusto mo? Gold digger!" Sigaw ko. Isantabi muna natin ang feelings ko para kay Lanz, ang pagkakaibigan namin ang dahil kung bakit ako nagkakaganito. "Wala ka namang ibang ginawa kundi perahan si Lanz diba? Minahal ka nya ng todo pero niloko mo sya. Grabe!" Sigaw ko pa na napatayo pa sa kinauupuan ko. Tumayo din sya. "Ano bang pakialam mo dito?! P*tang ina mo!" Sinubukan nya akong sampalin pero pinigilan sya ni Lanz. "Wag mo syang sasaktan!" Sigaw ni Lanz, "Tama lang talagang nakipag-hiwalay ako sayo!" Hinawakan nya ang kamay ko, "Tara na nga." Paalis na sana ako pero pinigilan ni impakta si Lanz. "Lanz, I'm pregnant. Ikaw ang ama."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD