Off to Paris

1047 Words
Skye. "All flights to Paris please proceed to the plane. We will be taking off in a while. Thank you." Sabi ng speaker. Naka upo na kami sa upuan namin. Lels. Katabi ko si ex. Gwapo parin naman sya. Ganun parin. Kaso saksakan ng sunget eh! Ewan ko kung bakit. Di naman ganyan yan dati eh. Lumipad na ang eroplano. At last nakaalis na kami. Goodbye Philippines~ +++ Pagkatapos ng ilang tulog, kain, usap, tulog ulet, ilang panuod ng mv, ilang pag-utot, pag-split at tambling, nakarating narin kami sa Paris. Ang tagal pala no? "May I have your attention please." Sabi ni Sir Hams nung makaupo kami sa loob ng van. Kami lang naman ang tao dito eh. "Today will be your free day. Pwede kayong gumala hanggang sa magsawa kayo. Eto mga mapa." Binigyan kami ni Sir ng mapa ng Paris. Tig-iisa kaming lahat. "Etong hotel na ito," sabi ni Sir sabay turo sa isang hotel sa mapa, "Dito tayo magse-stay. Dito nalang kayo umuwi. Ok?" Sumangayon kaming lahat tapos pinababa kami ni Sir sa bus. "San tayo pupunta?" Anong ni Alex na nakakapit kay Ash. Pag magkasama tong dalawang to, parang mga unggoy, parating naka-kapit sa isa't isa. Lels. "Kahit saan." Sabi ni Shaem tapos nagsimula kaming maglakad kung saan saan. Syempre, kilala ang Paris sa mga magagandang mga stores diba? Edi eto, shopping mode kami ngayon. "Lanz, samahan mo nga ako." Sabi ni Alex nang hindi nya makumbinsi si Ash na samahan sya. Nagpaalam sila samin na may pupuntahan lang daw sila tapos lumabas na sila. "Baby ko, susukatin ko to oh." Sabi ni Xave tapos pinakita kay Shaem ang polo na hawak nya. "Anong baby ko?! Tigilan mo nga ako." Sabi ni Shaem tapos tinignan ang polo na hawak ni Xave, "Edi sukatin mo dun!" "Samahan mo ko!" Hinila na ni Xave si Shaem kaya wala na syang nagawa. Omg. Pagnawala pa sina Ken at Ash, kaming dalawa ni ex nalang ang matitira. Hinanap ng mga mata ko sina Ken at Ash at salamat naman, nakita ko sila. Nilapitan ko silang dalawa. "Guys--" "Halika nga dito!" Sabi ni Ash tapos hinila si Ken palabas. Ay wow -_- Tinignan ko si ex na nakatingin din pala sakin. Tapos bigla syang umiwas ng magtama ang tingin namin. Ano pa bang choice ko? Ayoko namang magmukhang loner dito no. Tsaka, nawala yung mapa ko eh. Naiwan siguro sa van kanina. Lumapit ako sa kanya. "Psst." Nahihiya ako kay Toffer. O_O Omg. Sinabi ko ang pangalan nya! Nooooooooooooooooooooooooo!!! Sus ang drama. Eh ano ngayon diba? Umalis sya bigla tapos sinundan ko sya. "Hoy. Pansinin mo naman ako." Sabi ko tapos hinila-hila ang damit nya. Ang taas nya parin, grabe. Nagmukha akong dwende. Lol. "Hoy--" Di ko na natapos ang sasabihin ko. "Bakit mo ba ako sinusundan? Ano hahabol habol ka ngayon sakin? Ikaw nakipag-break diba? Ikaw nanloko diba?! Bakit sunod ka ng sunod ngayon?!" Sigaw nya. P*ta. Anong problema nito?! Ayoko lang naman maligaw eh! "Hoy lalake, uso move-on!" Sigaw ko rin. Tinignan nya ako ng masama. "Eh anong magagawa ko, kasi mahal parin kita! Hanggang ngayon, mahal parin kita! Kahit niloko at iniwan mo ako, mahal parin kita Skye! Mahal parin kita!" Sigaw nya. Remind nyo nga sakin ulet kung paano kami napunta sa usapang to? Iniwan ako ng magagaling kong kaibigan. Naiwan ako sa kanya. Nilapitan ko sya para may kasama ako. Tsaka ayokong maligaw kasi naiwan ko yung mapa ko sa van. Tapos kinausap ko sya. Tapos nag-drama sya. Where did I go wrong?! Nagulat ako nang may pumalakpak sa likod ko. Tinignan ko at eto na yung mga magagaling kong kaibigan. "Best actor!" Sigaw ni Xave. Nilapitan ni Ken si Toffer. "Bigyan ng piso yan!" Tapos inabutan nya ng piso si Toffer. Kinuha ito ni Toffer at binato kay Ken pero naka-ilag sya kaya nagshoot sa bunganga ni Lanz na tawa ng tawa. Niluwa nya yung piso, "What did I do to deserve this?!" Tapos tinapon nya yung piso. Haay. Kawawang piso. Nagmula sa isang baliw, binigay sa isang madramang nilalang tapos pumasok sa bunganga ni isang buwaya. Buhay nga naman. Shaem. "Baby ko, is this look nice with me?" Tanong ni Xave sakin sabay pose. Pang-sampung polo nya na to. At tbh, maganda lahat tignan sa kanya pero sabi lang nya, "I'm not satisfied." Tapos sa lahat ng sinabi nya, yung 'I'm not satisfied lang ang tama ang grammar. English ng english, di naman marunong! "Oo." Sabi ko. Tumingin ulet sya sa salamin. Tapos bumuntong hininga sya. For sure ayaw na naman nya yan. "Ampanget." Sabi nya tapos tinapon yung polo sa sofa. "Wag na nga lang." Hinila nya ako palabas ng fitting room at nakasalubong namin sina Alex at Lanz. "Saan kayo galing?" Tanong ni Xave. Kumakain si Alex ng pizza eh. Yung isang slice lang. "Ayan, nagpasamang bumili." Sagot ni Lanz. Tumango nalang si Xave tapos may tinuro sya. "Tignan nyo yung mag-ex oh. Magkasama." "Nasan ba sina Ken?" Tanong pa ni Xave. "Wag kang lilingon." Napatalon naman si Xave sa gulat, paano ba naman kasi, biglang hinawakan ni Ken ang balikat ni Xave sabay sabi nun. "Sus Ginoo!" Sigaw nya na humawak pa sa dibdib nya. Tapos binatukan nya si Ken, "Bakit mo ba ginawa yun?!" Si Ash naman, tawa ng tawa habang hawak ang cp nya. Vinideohan nya siguro. Mukhang pinlano nila to ah. "Alam mo Xave, ang gwapo mo pero ang pananalita mo nakaka-turn off." Sabi ni Ken tapos dinilaan ang ice cream nya. May hawak pala syang ganyan? Tinignan ko si Ash tapos may hawak din syang ice cream. "Bakit mo ba ako sinusundan? Ano hahabol habol ka ngayon sakin? Ikaw nakipag-break diba? Ikaw nanloko diba?! Bakit sunod ka ng sunod ngayon?!" Narinig naming sigaw ni Toffer kaya napatingin kami sa kanila ni Skye. Anong problema nito? "Hoy lalake, uso move-on!" Sigaw din ni Skye. "Eh anong magagawa ko, kasi mahal parin kita! Hanggang ngayon, mahal parin kita! Kahit niloko at iniwan mo ako, mahal parin kita Skye! Mahal parin kita!" Sagot ni Toffer. Tahimik lang si Skye. Etong si Xave naman, pumalakpak. Kaya sumunod narin kami sa kanya. "Best Actor!" Sigaw pa ni Xave. Pagkatapos ng ilang asaran nila, umalis na kami sa store na yun, na wala man lang nabili, nanggulo lang kami dun. Pili kasi kami ng pili, tapos nung babayaran na sana namin, di pala sila tumatanggap ng peso bill. Edi wow.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD