I Deserve an Explanation

865 Words
Third Person. "P*ta ang sakit!" Sigaw ni Lanz sabay inom ng alak mula sa boteng hawak nya. Malakas na music, mga taong ngasasayawan, naghahalikan, nag-iinuman, nagsi-sigarilyo at nagdo-droga. Yan ang makikita mo sa paligid mo. Yup. Tama. Nasa bar nga sila. Flashback. "Lex, eto oh--" Nalaglag ni Lanz ang mga hawak nyang mga damit kasabay nun ang pagtigil sa paghahalikan ng dalawang tao. "Babe, it's not what you think." Sabi ni Lorraine kay Lanz. Sinubukan ni Lorraine na hawakan ang kamay ni Lanz pero tinapi lang nya iyon. "Ay gag* lang?" Sabi ni Alex ginaya naman ni Ash ang sinabi ni Lorraine. "Babe, it's not what you think! Nililinis ko lang ang bibig nya gamit ang bibig ko!" "Nice one Ice." Sabi ni Ken tapos nag-apir sila ni Ash. "Tara na nga." Sabi ni Lanz tapos umalis na. Sumunod naman sina Ash at Ken. "B*tch." Sabi ni Alex bago sumunod na sa kanila. At eto na ang ending nila, nasa bar. Tinext nila yung iba tapos dito na sila nagkita-kita sa bar. "Ang tanga mo kasi." Sabi ni Alex. "Nandito naman ako, bakit sya pa?!" Napatingin naman sila kay Alex. "Ilang bote na ba nainom nito?" Nagtatakang tanong ni Shaem. "Anong bote? Eh wala pa sa kalahati yun eh. Hati pa kami. Tanduay Ice pa." Sabi ni Xave. Nagulat ang lahat ng biglang magsuka si Alex. Kaya lumayo sila kay Alex. "Bakit parang laway lang ang sinuka nya?" Tanong ni Shaem. "Laway naman talaga." Sagot ni Ash. "Sayaw tayo guys!" Sabi ni Skye pero na-out balance sya tapos nahila nya si Toffer kaya natumba silang dalawa. Nauntog pa si Toffer sa kabilang lamesa. "Guys, bh ako dito oh. Dapat sakin naka-focus ang chapter na to. Okay?" Sabi ni Lanz sa mga magugulo nyang kaibigan. Lanz. Si Alex, tawa ng tawa tapos iiyak. Si Skye at Toffer may pinaguusapan. Si Shaem naka-steady lang sa gilid tapos umiinom lang. Sina Xave at Ken bumukas ng panibagong bote ng alak. Si Ash ininom yun bigla kaya ayan, kumain bigla ng salad para mawala yung lasa nun. Mga walang kwentang kaibigan. Hindi man lang ako iniintindi. Bh na nga eh. Kahit na ganyan sila, corny man pero, mahal ko yang mga baliw na yan. Di man nila sabihin ng diretso sakin, alam kong iniisip nila na ang tanga ko. Totoo naman eh. Tanga naman talaga ako. Matagal ko nang alam na niloloko lang nya ako pero nagpakabulag parin ako. Pero hindi ko na kinaya yung nakita ko kanina. Sobra na yun eh. Para akong binuhusan ng napakainit na tubig. Xavier. Takte Lanz ang drama mo. Ako na nga lang magp-pov. Matapos ang ilang oras, dun nalang kami umuwi sa bahay ni Toffer. Wala kasi yung parents nya tapos yung bahay nya yung pinakamalapit sa bar. Pumasok kami sa bahay nya tapos inihiga namin si Alex sa sofa. Knock out na eh. Grabe din tong babaeng to, ang konti nga lang ng nainom eh. Si Skye ganun din, lasing din, pero buhay pa naman. Si Shaem naman lasing din pero normal pa naman sya eh. Si Ash, parang baliw, pero normal lang sa kanya yan. Si Ken naman, nagpainit ng tubig, magtitimpla siguro ng kape. Si Toffer nanunuod ng tv. Ako, nakaupo sa tabi nya. Si Lanz, ayun nakatunganga sa bintana. Akala siguro nasa music video. Lumapit ako sa kanya tapos umupo sa tabi nya. "Dude, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya. "Mukha ba akong okay? Ha?" Tinuro turo nya ako. "Bakit nya ako niloko?! I deserve an explaination! I deserve an acceptable reason!" May tumamang unan sa mukha nya. "Ang drama mo p*ta." Sabi ni Toffer habang papalapit samin. "Anyare dito?" Tanong ni Ken na may bitbit na kape. Umupo sya sa tabi ko tapos uminom sa kape nya. Binatukan ko sya kaya napaso sya. "Di mo man lang tinimplahan kahit yung mga babae lang." Sabi ko. Napasimangot naman sya. "Meron kaya. Ayun oh." Sabi nya sabay turo sa center table ng sala. "Meron nga din kayo eh." "Bakit di mo dinala dito?" Tanong ni Lanz. Uminom muna si Ken bago sumagot. "Grabe, ano akala nyo sakin, maid? VIP much?" Tumayo si Toffer tapos kinuha yung mga kape. Tapos binigyan nya kami. "Ano nga palang problema nito? May ginaya pang linya sa pelikula." Sabi ni Ken tapos uminom ulet sa kape nya. "Bh ako. Baka nakakalimutan mo." Sagot ni Lanz habang hinihipan ang kape nya. "Ang drama mo naman masyado." Sabi ni Toffer. "Sus, ikaw nga nung nagbreak kayo nun," sabi ni Ken sabay turo kay Skye na umiinom din ng kape habang nanunuod ng tv "Naging si Mr. Cold Guy ka na eh." Tinignan lang ng masama ni Toffer si Ken. Etong si Ken naman, nagkibitbalikat lang tapos uminom ulet ng kape. "Kalimutan mo na yan Lanz." Sabi ko sa kanya. "Madali lang para sayo na sabihin yan Xave. Ikaw yung nananakit ng babae eh, hindi ikaw yung nasasaktan." Sagot ni Lanz. Sabagay. May point nga naman sya. "Pero wag ka namang mag-drama dude. Ipakita mo sa kanya na you're better off without her." Sabi ni Ken tapos umalis na at tumabi kay Ash na nanunuod ng tv. May pa-walk out, walk-out pa ang gg. Andrama. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD