Ash.
"Asdfghjkkllgaksgsskbsj manha, sjsjsusbshsjakns bwabwa Call me baby, call me baby~"
"Ano daw?" Nagtatakang tanong ni Alex.
"Exo yun. Call me baby na comeback nila." Sagot ni Skye.
"Ah."
"Di mo kilala ang EXO?" Tanong ni Skye.
"Kilala ko yun. Kaso wala na si Luhan eh." Sagot ni Alex sabay pout.
"Tsaka si Kris." Sabi naman ni Shaem
"Ikaw Ash?" Tanong naman nya sakin.
"Kai." Simpleng sagot ko lang nang hindi inaalis ang tingin ko sa cp ko. Nag-da-download kasi ako ng mga pictures ni Kai eh. Tbh, magkamukha sila ni Ken. Hahaha. "Kaw?"
"Kay Baek ako." Sagot nya.
Napatingin naman ako sa kanya. "KaiBaek?"
"Hindi! Kay Baekhyun ako. Yun yung ibig kong sabihin. Pero KaiBaek shipper din naman ako." Sagot nya tapos bumalik sa pagkanta nya. Di rin naman maintindihan yun eh.
Nandito kami ngayon sa classroom. As usual, wala si maam. Ano pa bang bago dun?
Yung apat naman na panget ewan ko kung saan. Magkasama kami ni Ken kanina papunta dito pero nung malaman nila na wala si maam, umalis agad--
"Hello Philippines!"
Nvm. Ayan na sila papasok na oh.
"Hello Ice!" Sabi, I mean sigaw ni Ken. Oo sinigaw nya yun. May exclaimation point diba?!
Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa cheeks. Si Xave lumapit din kay Shaem para gawin din yun pero sinampal lang sya ni Shaem.
"Aray ah." Sabi ni Xave habang hinihimas ang pisngi nya. Tinignan lang sya ng masama ni Shaem.
"Bakit parang ang saya nyo naman?" Anong ni Alex sa kanila.
Tinignan ko si Ken na nakaupo sa tabi ko. Tumingin din sya sakin tapos pinataas baba lang ang mga kilay nya tapos kumindat sabay pogi sign pa.
"Ah wala naman." Sabi ni Lanz ng may ngiti sa mga labi nya. "Kinausap namin si Sir Hamillton.."
"Tapos?" Tanong ni Skye sa pabitin effect ni Lanz.
"Sabi nya--"
Hindi natapos ni Lanz ang sasabihin nya kasi pinutol ito ni Ken.
"Sabihin mo na kasi bilis!" Sabi nya ng may malaking ngiti sa labi. Malaki talaga. Mukha na syang yung pusa sa Alice in Wonderland.
"Sabi nga nya--"
"Bilisan mo na kasi!"
"Sabi--"
"Wag ka na kasing magpaligoy ligoy pa!"
"Sab--"
"Dali na kasi!"
"Sa--"
"Sabi ni Sir Hams pupunta daw tayo sa Paris!!"
Sa wakas nasabi narin ni Ken. Oo sya yung sumabi nun. Kulet lang eh. Masyadong excited.
Alam ko na to. Yung Equinox nga sana yung sasali dyan eh, kaso walang passport yung dalawa kong kabanda.
Battle of the Bands. Parang worldwide na ganun. Kase iba't ibang mga school sa iba't ibang lugar ang kasali dito. Tapos yung mga pinakasikat lang na school ang makakasali.
"Pero teka, bakit naman tayo pupunta ng Paris?" Tanong ni Alex.
"May sasalihan--" hindi natapos ni Toffer ang sasabihin nya.
"May sasalihan tayong battle of the bands!" Sigaw ni Ken.
"Eh bakit 'tayo'? Di ba dapat 'kayo' lang?" Tanong ni Skye.
"Eh kasi kasama--" di rin natapos ang sadabihin ni Xave.
"Eh kasi kasama kayo!" Sigaw na naman ni Ken.
Binatukan ni Xave si Ken.
"Kanina ka pa ha! Manahimik ka nga dyan!" Sabi nya. Aangal pa sana si Ken kaso tinignan sya ng masamang tatlo.
"Bakit naman kami sasama?" Tanong ko. Sasagot sana si Ken kaso binatukan ulet sya ni Xave.
"Subukan mo! Subukan mo talaga!"
"Sabi kasi ni Sir, pwede daw kaming magpasama ng 1 person each." Sagot ni Lanz.
"Tapos kami yung napili nyo?" Tanong ni Shaem.
Magsasalita sana ulet si Ken kaso pinanlakihan sya ng mata ni Xave. Nagpout lang sya tapos kumapit sa braso ko. Kulet lang eh.
"Oo." Sagot ni Toffer.
"Kelan naman yan?" Tanong ni Skye.
"Sa next week na yung botb pero sa sabado na pupunta dun." Sagot ni Xave.
"Diba Ash may banda ka rin? Bakit di kayo yung sumali dun?" Tanong ni Shaem.
"Ah, wala kasing passport yung dalawang kabanda ko." Sagot ko nang hindi inaalis ang tingin ko kay Ken.
Ang cute kasi nya eh. Mukhang naligaw na bata syakung makakapit sa braso ko.
"Ahh." Sabi nalang ni Shaem.
Naputol ang paguusap namin nang nag-bell na. Kaya nagligpit na kami tapos pumunta na sa next subject namin, which is Science.
At sa kasamaang palad, nagkaroon pa ng pop quiz. Kainis. Wala akong kaalam alam dito eh.
Humingi ako kay Ken na humingi kay Lanz na humingi kay Toffer na humingi kay Alex na humingi kay Shaem na humingi kay Xave na humingi kay Skye na humingi sa nerd naming kaklase ng one fourth paper. Haha.
Grabe ang dali ng quiz. Ang dali dali lang. Note the sarcasm.
Eto namang si Ken, hingi ng hingi ng sagot eh wala nga rin akong alam eh. Kahit date nga di ko alam. Haay buhay!
"Skye, answer nga." Bulong ko kay Skye na nakaupo sa harap ko. Nagsulat sya sa papel tapos inabot nya ng patago sakin. Pasimple ko namang kinuha.
Nakita ni Ken yun tapos tumingin sya sakin na paranh sinasabing, pasundin mo ko! Tumango lang ako ng slight tapos pasimpleng binuksan ang papel.
#1 letter a. Di ako sure. Yan lang answer ko.
Peste. Isa na nga lang, di pa sure. Pero kahit ganun, kinopya ko parin. Malay mo, baka tama pa yan.
Binato ko kay Ken yung papel tapos ganun din ang ginawa nya. May choice pa ba sya? Kesa naman wala syang answer diba?
Oi sa mga bata dyan ah! Masama yung mangopya. Pero ok din yun kung talagang walang wala ka. It's better to cheat than to repeat nga diba? Pero wag yung sa cheating nalang kayo aasa ok?
"Pass your papers." Sabi ni Sir.
Sht. Nakita kong pinasa ni Alex ang papel nya, pero bago pa man ito makuha ng kaklase namin, hinablot ko ito at dali daling kinopya ang mga sagot nya.
Di naman sya umangal kasi maganda ako. Haha. Anong konek?
Di rin naman ako mahuhuli kasi nagkakagulo ang mga kaklase ko kaya hindi rin nya makikita--
"Billiones! Gil!"
Naku po. Patay. Pero teka, si Ken din?
Napatingin din ako sa kanya na nakatingin din pala sakin.
"Lumapit nga kayo dito!" Sigaw ni Sir kaya dali dali rin kaming lumapit sa kanya.
For sure, etong si Ken nagiisip na ng maidadahilan.
"Nasan na ang mga papel nyo?" Masungit na sabi ni Sir. Dahan dahan naman naming binigay sa kanya yun.
"Ano yang hawak nyo?" Tanong nya tapos sumenyas dun sa mga kamay namin na naka tago sa likod namin.
Binigay narin namin sa kanya yung papel. Sa akin yung kay Alex tapos yung kay Ken naman ay kay Toffer.
Tinignan ito ni Sir tapos pinasok sa drawer nya. Tapos kami naman ang tinignan ni Sir.
Omg. Ano kayang sasabihin nya? Wag naman sanang ipatawag ang parents nami--
"Pumunta nga kayo sa faculty room at paki bigay ito kay Maam Locsin. Tapos--" pinutol ni Ken ang sinasabi ni Sir.
"Inuutusan nyo kami Sir?" Nagtatakang tanong nya. Tinignan sya ng masama ni Sir.
"Bakit di ba pwede? Ako ang teacher dito ah." Sagot ni Sir. Nagsorry lang si Ken tapos bumalik na si Sir sa pagsasabi ng mga iniuutos nya samin.
Lumabas na kami ni Ken ng room para gawin ang mga iniutos ni Sir.
Wew. Akala ko talaga nahuli nya na kami. Haay. Mabuti nalang.
"Ash! Ken!" Narinig kong sigaw ni Shaem.
Tapos na naming gawin yung ga utos ni Sir at uwian na. Hinintay nila kami sa gate kasi pupunta kami sa mall. Mamimili kami ng mga pwedeng bilhin para sa trip.
"Tara na." Sabi ni Alex.
"Teka lang, sasama daw si Lors eh." Sagot ni Lanz sabay tingin sa cp nya.
"Pa-vip masyado ah." Sabi ni Alex sabay irap. If I know, nagseselos lang yan.
Wala na kaming ibang nagawa kundi hintayin yung bakulaw na yun. Syempre sasamahan namin si Lanz noh. Kaibigan kaya namin sya. What are friends for? Diba?
Pero isa't kalahating potanghaeyo nga naman, isang oras na kaming naghihintay dito! Paubos na ang mga tao sa school wala parin yung impaktang yun!
"Tara na nga! Peste!" Sigaw ni Alex tapos naglakad na. Sumunod narin kami sa kanya. Sino ba naman yang babaeng yan para paghintayin kami?!
Sumunod na rin si Lanz. Wala na rin naman syang magagawa eh.
Nakarating kami sa mall sakay ang jeep syempre. Except kay Lanz kasi dala nya ang kotse nya. Dinadala nya kasi yan kasi sinusundo nya yung impakta nyang gf. Pasosyal pa kasi ayaw magjeep.
Habang namimili kami, naghiwahiwalay kami. Tapos napagkasunduan lang namin na magkita sa harap ng Mcdo in one hour.
Kasama ko sina Ken, Lanz at Alex. Tapos magkasama rin sina Shaem, Skye, Xave at Toffer.
"Ice, anong mas maganda? Eto o eto?" Tanong ni Ken sabay pakita ng dalawang tshirt na magkaparehas lang naman, magkaiba lang ang kulay.
Isang blue at isang red. Kumuha ako ng isang black na damit.
"Eto." Sabay bigay ko sa kanya. Binalik nya yung dalawa tapos kinuha yung binigay ko.
"Ash, samahan mo nga ako!" Sabi ni Alex sabay hila sakin. May bitbit syang dress na kulay pink. Siguro i-ta-try nya yan.
Sumunod sina Ken at Lanz samin na may bitbit din na mga damit. Tapos bitbit naman ni Ken ang mga damit ko.
Ang daming tao ngayon kaya halos lahat ng fitting rooms may tao.
"Lex, eto oh--"
Di na natapos ni Lanz ang sasabihin nya dahil sa pagbukas nya ng inaakala nyang walang taong fitting room ay meron pala.
Gf nya pa.
Tsk. Tanga tanga talaga.
Uso mag-lock teh.