Mr. Taken

891 Words
Lanz. "Babe! Bilhan mo ako nito oh!" Sabi ni Lorraine. Kanina pa talaga sya pabili ng pabili eh. Ilang paper bags na nga din ng bitbit ko. "Babe naman ang dami mo nang pinabili oh." Sabiko sa kanya. Malapit na talagang ma-maxed out ang credit card ko eh. Mabuti sana kung yung pinapabili nya eh yung mura lang, hindi yung 5000 pesos para sa isang paresng sandals lang. "Ok." Sabi nya tapos kinuha nya ang mga paper bag sakin at nagsimula na syang maglakad paalis. Hindi ko na rin sinundan. Ganito naman parati eh. Alam ko naman na pineperahan nya lang ako eh, sa araw araw ba naman na ipamukha sakin nina Ken at Ash yan. Pero maniwala man kayo o sa hindi, mahal ko yan kahit ganyan sya eh. Nagsimula na akong maglakad palabas ng mall at dumiresto sa parking. Kapag nag-de-date kasi kami ni Lorraine, pinapakuha nya yung kotse ko sa bahay eh. Kaya eto dala ko ngayon. Habang nag-da-drive ako, napahinto ako sa spotlight tapos nakita kong sumakay ng jeep si Toffer sa kabilang kanto. Tapos sina Alex, Xavier at Shaem parang hinabol sya pero di sya naabutan. Bumusina ako at napatingin sila sa direksyon ng kotse ko. Tapos hinintay nila ako. Kilala na kasi nila tong kotse ko eh. Nung nag-green na yung spotlight, lumapit na ako sa kanila tapos lumabas ako ng kotse ko. "Tol." Sabi ko tapos nag fist bump kami ni Xave. Nag hi naman ako kina Alexat Shaem. "Anong ginagawa nyo dito?" "Ah si Skye kasi may shooting para sa short clip na ginagawa ng mga officers every year." Sagot ni Xave. Bumoto nga pala kami kanina nung umaga kung sino yung magiging class president, eh napagdiskitahan sya namin eh kaya ayan sya ngayon. "Saan ka pupunta?" Tanong naman ni Alex sakin. "Iniwan ka na naman ni impakta noh?" "Ano pa bang bago dun?" Sagot ko. Kumg anu-ano na ang tinatawag nila kay Lorraine pero okay lang naman sakin. Nakakatamad kasi kung gagawin ko pa yang big deal eh. "Nagugutom ako. Tara kumain tayo." Sabi ni Xave tapos sumakay kami sa kotse ko at nag-drive ako pabalik sa mall. Pero bago yun, nagpaalam muna sila kay Skye at iniwan sya dun sa shooting nya. "Saan naman tayo kakain?" Tanong ni Alex habang nililibot ang mga mata nya sa mall. Nakatayo kami ngayon sa gitna ng mall at nag-iisip kung saan kami kakain. "Sa Jolibee kaya?" Tanong ni Xavier. "Nakakasawa na yun eh." Sagot ko. "Sa Mcdo?" "Paulit-ulit nalang yun eh." Sagot ni Alex. "Sa Kfc?" "Puro manok." "Sa greenwich?" "Puro pizza." "Sa Pizza hut?" "Ganun din yun eh." "Yellow cab?" "Mahal." "Burger king?" "Puro burger." Napatingin kami kay Shaem na kanina pa tahimik. "Saan sa tingin mo Shaem?" Tanong ni Xave sa kanya. "Jollibee?" Tanong nya. "Ok." "Sige dun nalang." "Sige na nga. Libre mo ah." "Bakit ako?" "Ikaw nangyayang kumain eh." "Sinabi ko bang sumama kayo?" So ang ending, dun na nga kami sa Jolibee kumain at nung makarating na kami dun, nagtatalo parin kami kung sino yung manlilibre. "Ikaw nalang Xave." Sabi ni Alex. "Hay. Etong si Lanz oh." Sagot ni Xave habang tumuturo sakin. "Dude, kay Lorraine pa lang ubos na pera ko eh." Sagot ko. Sumuko na lang si Xave at sya na lang daw ang babayad. "Mag-order ka na dun." Sabi ni Alex sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata nya. "Ako na nga magbabayad, ako pa magoorder?!" Hindi lang sya pinansin ni Alex at hinawakan si Shaem sa kamay. Pero pinigilan naman ito ni Xave. "Sakin sya sasama." Sabi nya. "Ok." Sagot ni Alex tapos ako naman yung hinila papasok para maghanap ng mauupuan. Nung makahanap kami ng mauupuan, umupo na agad kami dun. Habang nakaupo kami dun, tahimik lang si Alex. Hindi naman ako na-o-awkwardan, matagal na rin naman kaming magkakilala eh. Ay, oo nga pala di pa ako nakapagpakilala. Muntik ko nang makalimutan ah. Haha. Sorry naman. Masyado akong busy sa pag na-narate sa inyo ng mga nangyayari eh. Haay. Ano bang gagawin nyo kung wala ako? Heeep! Alam ko sasabihin nyo na, "Edi sa ibang characters kami aasa" pero pagbigyan nyo nalang ako please? At bago ko pa ulet makalimutan, ako si Lanz Irvin Lizares. Ang bass guitarist ng Playmates. Pretty boy, mayaman pero di naman yung sobra sobra, habulin ng mga babae. At syempre--- "So, kamusta date nyo ni impakta?" Tanong ni Alex. "Ganun parin, pinerahan na naman." Sagot ko. Sa aming anim, si Alex talaga ang pinaka-close ko. Sya yung nakakausap ko ng maayos. Di ko naman kasi makausap si Toffer. Si Xave busy sa panglalandi ng mga babae. Tapos sina Ken at Ash, silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. "Sabi ko naman kasi sayo eh na--" ako na ang tumapos sa sasabihin nya. "Na makipag-break na ako sa kanya." Napakamot ako sa ulo ko, "Pero naman kasi--" "Oo alam ko, mahal mo sya." Sya naman yung tumapos para sakin. "Pero wag mo namang gawing tanga ang sarili mo Lanz. Tumingin ka naman kasi sa iba, makikita mo, may mga taong nagmamahal sayo ng totoo." "You're a great guy, Lanz. At hindi sya deserving para sayo. Imulat mo nga yang mga mata mo." At yun na ang huli nyang nasabi bago dumating sina Shaem at Xave dala ang aming pagkain. Tumingin sa paligid ko? Nagmamahal sakin? Imulat ko ang mga mata ko? Nakakatamad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD