Umiiyak akong pumasok ng kwarto. Nakasunod sa akin si Nanay na hinihilot ang sentido at si Ate Pasing na nag-aalala. Umupo ako sa gilid ng kama at nakayukong nag tangis. Nahihiya akong tumingin kay Nanay dahil sinuway ko siya at sinira ang unang araw ng trabaho niya dito sa mansion.
"Akala ko natutulog ka na! Iyon pala pumuslit ka na dun sa garden!" Alam kong pinipigilan lang ni Nanay ang magalit dahil ayaw na ayaw niyang sinisigawan ako at may trabaho pa siyang babalikan.
"Mabuti na lang at naabutan ka pa namin dun kung hindi baka kung saan ka na napadpad!" Napaupo na din si Nanay sa bangko na nasa gilid ng cabinet.
"Delya... Bata iyan. Masyadong kuryoso sa mga bagay kaya maglilibot at maglilibot iyan." Ani Ate Pasing. Nakakahiya tuloy na pati si Ate Pasing ay naabala ko. Kung hindi lang siguro ako lumabas ay baka matiwasay pa silang nagtratrabaho dun ngayon.
"Alam ko, Pasing. Kaya nga mas naiinis ako sa sarili ko dahil imbis na bantayan at alagaan itong anak ko ay kailangan kong mag balat ng buto dahil sa kahirapan!" Nanghihinang ani ni Nanay. Lumapit na ako sakaniya at yumakap.
"Nay, sorry po. Hindi na po mauulit." Humihikbing ani ko sa balikat niya. Hinaplos niya naman ang ulo ko.
"Dwayne... Tahan na. Matulog ka na." Kumalas sakin si Nanay at iginiya na ako pahiga sa kama namin. Hinalikan niya ako sa noo at ngumiti ng tipid.
"Bukas i-enrol kita sa malapit na public school dito. Sasamahan tayo ni Ate Pasing mo. Okay?" Tila nabuhayan naman ako ng loob. Tumango na lang ako at ipinikit na ang mga mata.
Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Nanay. Matapos kumain ay naligo na ako at nag bihis. Excited ako dahil magi-enrol kami ngayon. Nasa Grade 3 na ako, sayang nga eh dahil magka-klase sana kami ni Mella kung hindi lang kami lumipat dito sa Maynila.
Pumasok kami sa isang di masyadong kalakihang paaralan pero malinis at masigla ang paligid. Maraming nagi-enrol at ngayon pa lang ay gustong gusto ko nang magsimula ang klase.
"Dito din nag-aaral ang pamangkin ko, Dwayne. Nasa Grade 5 na iyon kaya nga lang 'wag kang lalapit dun masyado. Pasaway iyon eh." Naiiling na sabi ni Ate Pasing.
"Ah si Junmer ba, Pasing?" Tanong ni Nanay.
"Oo, Delya. Ang pasaway ng batang iyon! Manang mana sa tatay niya." Parehong tumawa si Nanay at Ate Pasing at nag kwentuhan lang sila habang inaasikaso ang mga papeles na kakailanganin sa enrollment ko.
Nang ma enrol na ako ay kumain muna kami sa malapit lang na karinderya. Nag uusap pa rin sila Nanay kaya hindi ko maiwasang maisip ang nangyari kagabi. Iyong masungit na Rocco na iyon. Ang sama ng ugali! Pinag bintangan pa akong magnanakaw. May mga mayayaman talagang ang sama ng ugali. Porke't gwapo at mayaman lang eh! Hmp! Erase! Hindi iyon gwapo no! Mas gwapo iyong kapatid niyang kulot. Cute na at mukha pang masayahin. Sana lang talaga hindi mag krus ang landas namin.
"Bilisan mo na diyan at uuwi na tayo." Sambit ni Nanay ng matapos na silang kumain at ako'y hindi pa. Nang matapos kami ay pumara na nang tricicyle si Ate Pasing.
"Sa mansion ng mga del Francia." Sabi niya sa driver at tumango agad ito na para bang alam na alam ng lahat ng tao dito kung saan ang mansion ng pamilya.
Habang nasa daan, may naaaninag akong malaking paaralan di lang kalayuan sa paaralang pinangalingan namin. Kulay asul ito at parang private.
"Diyan nag-aaral si Rocco at Nielo." Biglang sambit ni Ate Pasing. Napatingin ako sakaniya at tipid lang siyang ngumiti.
"Pag nagkita kayo ni Rocco, 'wag mo na lang pansinin. Ganun talaga ang batang iyon, masungit at suplado." Aniya. Tumango na lang ako at nag iwas ng tingin.
Pagkarating namin sa mansion ay doon ulit kami dumaan sa likod. Sinalubong kami ni Aling Mercy at inutusan niya na agad sina Nanay.
"Nay, magbibihis lang po ako at tutulungan na po kita." Ani ko. Umiling si Nanay.
"Huwag na. Manatili ka na lang dun sa kwarto at maglaro." Aniya at nagsimula ng magtrabaho sa kusina.
"Pero Nay–"
"Huwag ng matigas ang ulo, Dwayne." Mariing sabi ni Nanay. Malungkot akong napabuntong hininga.
"Sige na Delya. Patulungin mo na iyang anak mo. Para naman makita siya ng mga tao dito sa mansion at hindi na ulit mapag bintangan." Biglang singit ni Aling Mercy. Bumaling siya sakin at tumango.
Agad akong tumakbo at pumunta ng kwarto. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako at bumalik ng kusina. Naghihiwa si Nanay ng maabutan ko siya.
"Huwag ka na dito sa kusina tumulong, Dwayne. Magdilig ka na lang dun sa garden." Sabi ni Nanay. Natulala ako saglit sa isiping garden. Pero iwinaksi ko agad iyon at lumabas na. Paki ko ba kung makita na naman ako ng masungit na Rocco na iyon? Hindi ko na lang papansinin gaya ng sabi ni Ate Pasing.
Habang nagdidilig ako, hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng mga bulaklak ng garden. Tiyak na mamahalin ang mga bulaklak na ito. Hindi basta basta at parang sa ibang bansa pa galing ang iba na hindi karaniwang nakikita dito sa Pilipinas. Pumitas ako ng isa at isinukbit sa kaliwang teynga. Kung nandito lang si Mella siguro pinupuri na ako non ngayon. Nagagandahan pa naman iyon sakin.
"Hi!"
Napatalon ako sa gulat ng biglang may nagsalita sa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko ang bunsong anak ng mga del Francia. Nakangiti sakin at cute na kumakaway.
"H-hello." Nahihiya kong bati. Nailang ako ng humakbang siya palapit sakin.
"What's your name?" Masayang tanong niya. Napatitig ako sa kulot niyang buhok. Mas lalo iyong nakadagdag sa pagka cute niya.
"Ako si Dwayne." Tipid akong ngumiti at pinatay ang hose.
"I'm Nielo." Naglahad siya ng kamay kaya tinanggap ko na rin ito.
"Nice to meet you! Anak ka raw ni Yaya Delya?" Tanong niya at inagaw ang hose sa kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Diniligan niya ang mga bulaklak.
"Ah, oo. Ako na po diyan Sir Nielo." Tinangka kong agawin ang hose ngunit inilag niya ito. Tumawa siya at nagpatuloy sa pagdidilig.
"Bakit mo ako tinatawag na Sir? I'm not older than you. Silly." Tumatawa pa siya habang nagdidilig. Ang cute niya tuloy kaya napatawa na din ako.
"Pero amo ko pa rin kayo." Sabi ko at tumabi na sakaniya.
"How old are you na ba?" Bumaling sa akin si Nielo at ngumiti.
"8 na." Sagot ko.
"Oh see? 8 din ako eh." Humagikhik siya ulit kaya nagtawanan na kami. Nagulat ako ng winasikan niya ako ng tubig sa mukha.
"Water fight?"
"Huwag!!!!" Sigaw ko pero huli na dahil binabasa niya na ako.
Tawa kami ng tawa habang naghahabulan. Pero nasira lang iyon ng may boses kaming narinig.
"Nielo!" Galit na sigaw ni Rocco. Humupa agad agad ang saya ko ng masilayan ko ang masungit na mukhang iyon.
Mabilis kong inagaw ang hose sa kamay ni Nielo at nakayukong tumabi sa gilid. Si Nielo naman ay kumaway sa kuya niya.
"Kuya! Come on! Join us!" Pag-aya pa nito kay Rocco na ngayon ay busangot na naman ang mukha na palapit samin.
"Why are you with him? Katulong siya." May diin ang pagkakasabi niya non. Bigla akong natauhan at nanliit dahil sa sinabi niya. Dapat kasi hindi na lang ako nakipag laro kay Nielo. Amo ko siya at isang hamak na katulong lang ako.
"So? I like him. He's my new found friend! Right Dwayney?" Napatingin ako kay Nielo dahil sa tinawag niya sakin. Dwayney? Dwayne lang naman ang pangalan ko.
Hindi ako sumagot at tipid lang na ngumiti. Tumawa naman ng sarkastiko si Rocco.
"New found friend? Dwayney? So gay." Nanunuyang ani ni Rocco at pinanlakihan ako ng mata.
"No! We're not gays!" Maktol ni Nielo at nag padyak pa ng mga paa.
"Yes, you're not. But your friend is!" Tumawa si Rocco na parang tuwang tuwa talaga. Biglang sumikip ang dibdib ko. Unang pagkakataon pa lang ito na may kumutya sa pagkatao ko. Bago ko pa lang kasi kinumpirma na bakla nga ako. Kaya ang makutya tulad ngayon ay hindi pala talaga biro. Isang bagay na kakaharapin ko bilang isang bakla.
"May bulaklak pa sa teynga oh!" At mas lalong tumawa pa si Rocco. Nilingon naman ako ni Nielo at napatingin siya sa bulaklak sa teynga ko. Siguro labis niya nang nauunawaan at nandidiri na siya ngayon.
Pero nagulat ako ng lumapit siya sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"I don't care, kuya. He's still going to be my friend. Diba Dwayney?" Sabi niya sa kuya niya habang nakatingin sakin. Tumango ako at ngumiti. Niyakap ako bigla ni Nielo na labis kong ikinagulat.
At dahil niyakap ako ni Nielo, kitang kita ko naman ngayon ang reaksyon ni Rocco. Inaasahan kong mandidiri siya pero iba ang nakikita ko. Galit at poot ang makikita sa mga mata niya habang nagsasalubong ang mga kilay niya.