Lulan na kami ng tricycle ngayon. Katabi ko ang driver. Si Rocco naman ang malapit sa pintuan ng tricycle. Papunta na kasi kaming tiangge, natatawa nga ako kasi parang nahihirapan si Rocco sa posisyon niya. Bahagya siyang nakayuko dahil nga maliit lang naman ang tricycle at matangkad siya. Naaawa ako na natutuwa. Ginusto niya ito eh. Bahala siya diyan. Pagkatapos ko siyang paulit-ulit na tanungin kung nag-cutting ba talaga siya, ay nanahimik na lang ako. Ayaw niya talagang umamin kahit halata naman. Sabi niya huwag ko na raw sirain ang lakad namin dahil naghanda siya para rito. Ewan ko nga at biglang may kiliti akong naramdaman sa tiyan ko at mga tuhod. "Malayo pa ba tayo?" Bulong niya. Napatingin ako sakaniya. Nakangiwi siya habang nakayuko. Tumutulo ang pawis sa noo niya. Namumula rin

