Tumutulo na ang pawis sa noo ko habang nagmamadaling magsulat ng sagot sa biglaang quiz namin. Last subject na at limang minuto na lamang ay dismissal na. Nasa pang huling katanungan na ako pero ewan ko ba't para akong mababaliw. Nate-tense ako. At alam kong hindi dahil iyon sa quiz na ito. "Time's up! Pass all your papers!" Maarteng sabi ng batang guro namin sa English. Tinuldukan ko na ang sagot ko at ipinasa iyon sa harap. "Paki abot, Abi." Suyo ko sa mataray kong classmate. Inirapan niya pa ako bago kinuha at inabot sa harap ang papel ko. Tss. Nagsitayuan na kami ng lumabas na si Ms. Shelly. Ipinasok ko na sa loob ng bag ang mga nailabas kong notebook at libro pagkatapos ay sinuklay ang humahaba kong buhok gamit ang mga daliri. Napatingin ako sa katabi kong si Shai na nananalamin s

