Para akong nakapako sa kinatatayuan ko habang nakatanaw sa sasakyang pumarada sa tapat ng isang malaking tindahan sa tapat lang ng paaralan. Nanigas ako ng bumukas ang pinto ng driver at lumabas si Mang Ado. Pumunta ito sa malaking tindahan at parang may binibili. Kausap nito ang matandang may-ari ng tindahan. "Tulala ka diyan." Kalabit sa'kin ni Axel. Napatingin ako sakaniya at sinarado ang bibig kong nakaawang pala. "A-ah... Wala. Uhm, kailangan ko nang umuwi, Axel." Paalam ko. Nang makita ko si Mang Ado ay napaalalahanan akong kailangan ko nang umuwi. Malapit na ring dumilim kaya kailangan ko nang maka-uwi nang makatulong ako sa mga gawain sa mansion. "Oh, sige. Hatid na kita." Tinulak niya ako pero umiwas ako at umiling. "Hindi na. Sasakay lang naman ako diyan, eh." Sabi ko. Ngumu

