Hinahabol ko ang aking hininga nang makapasok ng kwarto. Nanghihina akong napaupo sa kama at tulala habang nakatingin sa pinto. Ni-lock ko iyon kung sakali mang sumunod si Rocco. Napapikit ako ng mariin. Pangalawa na 'to! Pangalawang beses ng nangyari ito. Noon. At ngayon naman. Ang pagkakaiba lang, hindi siya nag-iisa. May kasama siya. At iyon ang sobrang tumatak sa'kin. Kung noon, hindi ko alam kung ano iyong nakita kong ginagawa niya, ngayon alam na alam ko na. Kaya pala galit na galit siya non. At sa nangyari ngayon hindi ko maiwasang hindi pangilabutan sa maaaring maging reaksiyon ni Rocco. Minura, sinigawan, pinagsalitaan niya ako ng masasakit at nakaka-insultong salita. Paano pa kaya ngayon? O baka, suntok at tadyak na talaga. Sumikip ang dibdib ko. Hindi niya pwedeng gawin iyon

