SAKTONG paglabas ni Laura sa banyo nang marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone niya. Humakbang siya palapit sa bedsode table kung saan nakalapag ang cellphone niya. Dinampot niya iyon at napaawang ang labi niya nang makita kung sino ang tumatawag sa kanya. It was her father. Leo Gomez. Saglit naman siyang napatitig sa cellphone. Sa araw-araw na nagpapadala siya ng text message at sa araw-araw na sinusubok niyang tawagin ito ay hindi siya nito nire-replyan, hindi nito sinasagot ang tawag niya o nagre-return call sa kanya. Ngayon lang. Mayamaya ay sinagot niya ang tawag nito. Hindi pa niya naibubuka ang bibig niya para magsalita ng mapatigil siya ng marinig niya ang boses ni Leo. "Why is it taking you so long to answer my call?" "Pasensiya na po," sagot naman niya. "Ba

