IPINARADA ni Laura ang minamanehong wrangler jeep nang makarating siya sa bahay ng isa sa mga trabahador ng Hacienda na si Kuya Ador na nag-imbita sa kanya sa kaarawan ng asawa nito. Mag-isa lang siyang nagpunta dahil hindi naman siya sigurado kung pupunta din ba si Draco kahit na sinabi nitong pupunta ito ng imbitahan din ito ng tabahador nila sa Hacienda. Naisip niyang baka sinabi lang nito na pupunta ito para hindi ipahiya si Kuya Ador. At kahit naman na pupunta ito ay hindi pa din siya sasabay dito. Dahil ayaw pa din niyang mapag-solo silang dalawa. Pagbaba ni Laura sa sasakyan ay sumalubong sa kanya ang ingay ng tugtugin. Kinuha nga din ni Laura ang regalo niya sa asawa ni Kuya Ador sa backseat ng sasakyan. Pagkatapos niyon ay humakbang na siya palapit sa kawayan na gate ng mga

