Chapter 36

1210 Words

TUMAAS din ang kamay ni Laura nang pumalakpak ang mga trabahador na kasama nila sa mesa nang matapos kumanta si Kuya Ador sa video-ok. Nakangiti siya habang pumapalakpak din. Nagkayayaan kasi ang mga ito na magkantahan pagkatapos nilang mag-boodle fight. Niyaya din sila ng mga ito na magkasiyahan kaya nanatili pa sila doon ni Draco. Tahimik lang naman ito sa isang tabi habang umiinom sa hawak nitong baso. Mayamaya ay napansin ni Laura ang pagsulyap sa kanya ni Kuya Ador. Mabilis naman siyang umiling nang mapansin niya ang ngiti na sumilay sa labi nito nang magtama ang mga mata nila. Alam na kasi niya ang naglalaro sa isip nito. At mukhang tama siya sa naisip dahil mayamaya ay bumuka ang labi nito para magsalita. "Senyorita Laura, baka naman mapagbigyan mo kami. Isang kanta naman di

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD