"GOOD morning, Miss Laura." Nag-angat ng tingin si Laura ng marinig niya ang pagbati na iyon ni Jake. Nakita naman niya itong pumasok sa loob ng kusina kung nasaan siya ng sandaling iyon. "Good morning-- Hindi na natapos ni Laura ang pagbati niya nang makita kung sino ang sumunod na pumasok din sa loob ng kusina. It was Draco. At kabaliktaran ni Jake ang ekspresyon ng mukha nito. While Jake was smiling, Draco had a stern expression on his face. "How's your sleep, Miss Laura?" nakangiting tanong ni Jake habang ang mata ay nakatuon sa kanya. Bago pa siya makasagot ay narinig niya ang mahinang hagikhikan nina Aine, mukhang kinikilig na naman ang mga ito kay Jake. Iiling na lang na nangingiti si Laura nang mapansin niya reaksiyon ng mga ito para kay Jake. Pero nawala ang ngiti niy

