Chapter 46

1173 Words

"PINSAN po ba talaga ni Senyorito Draco si Sir Jake, Senyorita Laura?" tanong ni Aine sa kanya pagkatapos ng trabaho nila sa kusina. Sinulyapan naman niya ito para sagutin ang tanong nito. "Oo, mag-pinsan ang dalawa," sagot naman niya dito. Iyon kasi ang nalaman niya mula kay Jake noong ipakilala nito ang sarili kung ano ang koneksiyon nito kay Draco. "Pareho po silang gwapo pero hindi po sila magkapareho ng ugali. Ang sama ng ugali ni Senyorito Draco pero napakabait po ni Sir Jake," dagdag pa na wika nito sa kanya, napansin nga din niya ang ngiti sa ekspresyon ng mukha nito. Hindi naman na kailangan sumagot ni Laura para kompirmahin ang sinabi ni Aine dahil alam niyang napapansin din ng mga ito ang pagkakaiba ng ugali ng dalawa kahit na sa maikling panahon lang. Ibang-iba talaga k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD