"LAURA." Mula sa pagba-browse ng cellphone ay nag-angat ng tingin si Laura nang marinig niya ang pagtawag ni Draco sa kanya. At nang pagka-angat niya ng tingin sa gawi nito ay agad na nagtama ang mga mata nila. "Come here," tawag nito sa kanya. "Why?" tanong niya sa halip na sundin ang gusto nitong mangyari. Kumibot-kibot naman ang labi ni Laura bago siya tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sofa para maglakad palapit sa gawi nito gaya ng gusto nitong mangyari. At nang makita siya nitong palapit na ay inusog nito ang swivel chair na kinauupuan nito. "Bakit?" tanong ni Laura kay Draco. At sa halip na sagutin siya nito ay inilahad nito ang isang kamay sa harap niya. Bumaba ang tingin niya doon. Saglit niyang tinitigan ang maugat na kamay nito bago dahan-dahang tumaas ang kamay pa

