PAGKABABA ni Laura ng kotse ay hindi niya napigilan ang mag-angat ng tingin sa building sa harapan niya. Acuzar Group of Companies. Basa ni Laura sa pangalan na nakasulat sa itaas ng building. So, this huge building is from Draco. Ang laki-laki pala ng building na pag-aari nito. Inalis ni Laura ang tingin doon ng marinig niya ang pagtawag ni Draco sa kanya. "Laura." "Hmm?" wika niya nang magtama ang mga mata nila. "Let's go," yakag nito sa kanya na pumasok na sa loob ng building. Tumango naman siya bilang sagot. At nang humakbang ito ay humakbang na din siya para sundan ito. "Good morning, Sir Draco." Narinig ni Laura na bati ng security guard sa lalaki. Pero wala man lang reaksiyon si Draco sa pagbating natanggap nito mula sa lalaki. He just walked pass him. At mukhang sanay n

