"OKAY. Prepare the meeting room, Bryan." Narinig ni Laura na sinabi ni Draco ng lumabas siya ng kwarto pagkatapos niyang maligo at magbihis. Gaya ng sinabi nito ay ito na ang bahala sa lahat ng sabihin niyang wala siyang dalang mga damit ng dalhin siya nito sa Manila. Dahil habang nasa penthouse sila ay may dumating na isang lalaki, may mga dala itong mga paperbag at saka naman nito iyon ibinigay sa kanya. At nang tingnan ni Laura kung ano ang mga iyon ay nakita niyang mga bagong damit, kompleto nga iyon dahil may kasama ng mga undergarments. At mukhang alam na alam ng bumili ang size niya dahil sakto lahat ng mga damit sa katawan niya. At mukhang naramdaman ni Draco ang presensiya niya dahil lumingon ito sa gawi niya. Pinagdikit ni Laura ang ibabang labi ng magtama ang mga mata nila

