NAPATIGIL si Laura sa pagsubo nang maramdaman niya ang bigat ng titig na pinagkakaloob ni Draco sa kanya. She glanced at him. And she was right because Draco was indeed staring at her. Sa halip na pagkain nito ang pagtuunan nito ng atensiyon ay sa kanya nakatutok ang atensiyon nito. "Hindi ako makakain kung nakatitig ka sa akin," wika niya kay Draco. Napansin niya ang pag-angat ng dulo ng labi nito. Hindi naman maiwasan ni Laura ang mapatitig doon. This past few days ay napapadalas na ang pag-ngiti ni Draco kapag kasama niya ito. Inakala nga niya ay hindi ito marunong ngumiti. Dahil noong una niya itong makita ay wala yata sa bokabolaryo nito ang salitang ngiti. Dahil nga never niya itong nakita na ngumiti. Ngayon lang niya ito nakita noong aminin nito sa kanya na gusto siya nito.

