NAGISING si Laura sa hindi pamilyar na kwarto. Pero mayamaya ay bumalik din sa alaala niya kung nasaan siya ng sandaling iyon. Nasa kwarto siya ni Draco sa penthouse nito sa Manila. Sa isa sa mga mansion sana siya nito dadalhin pero pagdating nila sa Manila ay biglang nagbago ang isip ni nito. Marami daw itong mga tauhan doon at kapag sa mansion siya nito dadalhin ay hindi siya nito maso-solo kaya sa halip na sa mansion nito sila dumiretso ay sa penthouse siya nito dinala. At sinabi naman nito sa kanya na bibisita din sila doon. Draco's penthouse was huge. And the design of his penthouse was very manly too. Lalaking-lalaki, parang ding si Draco. At sa isiping iyon ay hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Tumingin naman si Laura sa tabi niya. And Draco was not there

