"I WANT a thorough test to be done." Naalimpungatan si Laura nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon ni Draco. Dahan-dahan naman siyang nagmulat ng mga mata at ang unang tumambad sa kanya ay ang puting kisame. Napatitig naman siya doon. Tumaas nga din ang isang kamay niya para sana sapuhin ang ulo dahil nakaramdam iyon ng kirot ng mapatigil siya nang may mapansin siyang nakakabit sa kamay niya Dextroxe. At habang nakatingin siya aa dextroxe na nakakabit sa kamay ay doon niya na-realize kung nasaan siya. Na-realize niyang nasa ospital siya. At bigla na ding pumasok sa isip niya ang nangyari. At ang posibleng dahilan kung bakit siya nasa ospital. Panic and fear started to fill her system. Sa halip na sapuhin ang ulo ay ang puson ang sinapo niya. Kahit wala pang masyadong u

