NAGISING si Laura sa tunong ng ringtone ng cellphone niya. Hindi sana niya iyon sasagutin at hahayaan na lang niya dahil tamad na tamad siya pero ayaw iyong tumigil sa pagtunog. Umungol siya at kinuha ang cellohone na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. At nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay nakita at nabasa niyang si Draco iyon. Hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang mabasa niya ang pangalan nito na naka-rehistro sa cellphone niya. Agad naman niyang sinagot iyon. "Hello?" medyo groggy ang boses na bati niya mula sa kabilang linya. "Oh, did I disturb your sleep?" tanong nito sa kanya. "Yeah," patamad na sagot niya. Narinig naman niya ang halakhak nito mula sa kabilang linya. Napakagat nga din siya ng ibabang labi nang dahil ang sarap pa

