NANG malaman ni Laura na buntis siya ay agad siyang nagbihis pang-alis dahil naisip niyang puntahan si Draco para ipaalam ang magandang balita na nalaman niya. She wanted to surprise him by telling him that she is pregnant. Alam niyang matutuwa ito kapag nalaman nitong buntis siya. Sa totoo lang ay pwede naman niya itong tawagan na lang sa cellphone para ipaalam na buntis siya. Pero mas gusto niyang sabihin iyon ng personal. Gusto kasi niyang makita ang reaksiyon nito. Pwede din niyang hintayin na lang ito na umuwi pagkatapos ng trabaho pero hindi siya nakapaghintay. Gusto na niyang i-share na ang sayang nararamdaman niya. Masyado siyang nalunod sa sayang nararamdaman nitong makalipas na araw kaya hindi niya masyado pinagtutuunan ang nararamdaman niyang kakaiba at pagbabago ng katawan.

