Chapter 05
Pasado alas diyes na ng gabi pero gising na gising pa ang diwa ni Jane. Ilang beses niya nang sinubukang patulugin ang sarili pero hindi niya magawang dalawin ng antok.
“Aiaaaa~” pagtawag ni Jane sa kaibigang nasa kabilang linya. Dahil hindi siya makatulog ay minabuti niyang makipag-kwentuhan na muna sa kaibigan.
“What?” inaantok na tugon ni Aia. Nakapikit na ang kaniyang mga mata, handang-handa ng matulog katabi ang paborito niyang bunny plush toy pero dahil sa hindi malamang kadahilanang pagtawag ng kaniyang best friend ay mukhang mauudlot ang plano niyang matulog.
“Do you believe in shooting stars?” inosenteng tanong ni Jane.
“Do they really grant wishes?”
Saglit na natahimik ang linya ni Aia. Although she and Jane are best friends, they had a lot of differences. Isa na roon ang mga prinsipyo nila sa buhay. Jane believes in myths and celestial beings, while Aia only believes in things that can be explained and governed by Science and Logic. Aia never believed in fairytales or whatsoever; minsan nga ay ‘Grinch’ ang tawag sa kanya ni Jane.
“Oh silly me!” Tawa ni Jane. “I momentarily forgot about your life mantra — to survive, one must be practical.”
“If you called me to ask that question, you already have an answer.” Pag-irap ni Aia.
“Hindi ba uso matulog sa inyo?” she hissed, and Jane chuckled.
“Bakit ba ang sungit mo, bestie?” nakangusong saad ni Jane habang nakaharap sa kaniyang cellphone.
“Kailan ba ako hindi naging masungit?” Aia replied with full sarcasm, rolling her eyes in annoyance.
“Look Jane, it’s way past our bedtime. We should already be sleeping.” She sighed.
“I know that, Aia,” tumatango-tangong sagot ni Jane.
“But what do I do?” buntong hininga niya.
“I can’t bring myself to sleep!” may bahid ng pagka-inis niyang wika.
“Don’t tell me you expect me to tell you a bedtime story…” Aia boredly rolled her eyes and sighed.
“Would you do that for me, bestie?” Jane playfully wiggled her brows, testing her best friend’s patience.
“I’m not your nanny! Go grab yourself a glass of milk for pete's sake!” Inis na bulyaw ni Aia na ikinatawa naman ni Jane.
“Love you, bestie!” Jane threw a flying kiss towards the camera and giggled.
“Good night. I’m sleeping!” Aia coldly replied before ending the call and placing her phone on the bedside table.
Jane couldn’t hide the happy smile on her lips after successfully pissing her best friend off. She then threw her back on her bed and took a deep breath, once again attempting to fall asleep.
-
The next day, Jane woke up feeling fine and ready for school. She dressed herself up in the school’s uniform and headed down to eat breakfast with her parents.
“Good morning to my lovely parents!” Jane chirped when she arrived at the dining hall. She then pulled a chair for herself to sit on.
“Good morning to you too, hija.” Kriz gave her a small hug and kissed her on the cheek.
“You’re just in time; I have just finished making your favorite ham and cheese sandwich.” She smiled.
“You’re the best, Ma!” Jane raised both of her thumbs, signalling her mom a good job. “Can I take some for lunch, Ma?” she then requested with her cute puppy eyes.
“How ‘bout me?” Arthur placed his newspaper down and eyed both his daughter and wife. “I want to be the best too!” he demanded, and the two chuckled.
“Kahit kailan talaga napaka-ingitero mo!” Pag-irap ni Kriz sa asawa bago naglakad papunta sa kitchen counter para kunin ang inihandang mga pagkain.
“Of course, Dad! You’re the best too!” Jane nodded and smiled.
“At mas lalo ka pang magiging best if ihahatid mo ako sa school!” kwelang saad ni Jane with matching kindat. “Could you also give me a baon raise dad?” biro pa ng dalaga.
“Drive you to school? That I can do, hija,” natatawang tugon ni Arthur.
“But in terms of a baon raise, I cannot.” Dahan-dahan naman nitong ibinaling ang pansin sa asawang kanina pa siya sinasamaan ng tingin.
“Why are you looking at me like that?” inosenteng tanon ni Arthur sa asawa. “I did not say yes ‘ah!” he defended and looked away.
Jane is the sole heir to her family’s fortune. They can easily grant whatever she wishes within a snap of a finger, pero kahit gano’n sinusuguro ng kanyang mga magulang hindi magiging spoiled ang dalaga. Kriz and Arthur raised their daughter to be kind, elegant, pure and independent; they did their best to keep her from getting attached to materialistic desires. Pero minsan hindi talaga mapigilan ng mag-asawa, lalong-lalo pa ni Arthur, na magbigay sa anak lalo pa’t may pagka-maloko at tuso talaga ang dalaga.
“Siguro ngayon wala pa, pero baka mamaya at pasimple mong abutan ‘yan!” Kriz hissed at her husband while throwing daggers with her eyes.
“I promise, I won’t.” Arthur raised both of his arms to signal surrender, and Jane chuckled.
“Puwede namang i-gcash mo na lang sa akin, Dad.” Kindat ng dalaga, dahilan para siya rin ay bigyan ng masamang tingin ng ina.
-
“You, young lady, sure love getting me in trouble,” natatawang wika ni Arthur sa kalagitnaan ng pagmamaneho. Saglit niya naman tinignan mula sa rearview mirror ang lunch bag na ipinadala ng kaniyang asawa.
“We can’t blame mom, though.” Nagkibit balikat na lamang si Jane. “You tend to spoil me most of the time, dad.” Pagkampi nito sa ina na ikina-buntonghininga naman ni Arthur.
“I guess, it’s a good thing for me, right?” saad nito bagong bumuntonghininga ulit. “At least I don’t have to go out to buy lunch.” Tawa nito.
Matapos ang nangyari kanina ay kinonfiscate ng asawa ang kaniyang wallet upang makasigurong hindi nito mabibigyan ang anak, at bilang kapalit ay pinabaonan siya ng lunch ng asawa.
“Oh… never knew you like Barbie, dad,” natatawang puna ni Jane sa lunch bag ng ama. Kulay pink ay may barbie design kasi na nakaguhit sa harap nito.
“I have always loved Barbie and the color pink!” Pagsabay ni Arthur sa trip ng anak.
“Nakalimutan mo na bang ako yata ang lagi mong ka-tea party noon,” Arthur proudly said. “And then you’re mom, being the sentimental person that she is, would be the one to take our pictures and bring us snacks.” He smiled.
“You were just five-years-old at that time.” Arthur released a small breath.
“Daddy’s little princess. I’m starting to understand your mom now. You grew up too fast.”
“You two really are soulmates.” Napailing-iling na lamang si Jane.
-
“Organic chemistry deals with the study of organic compounds. . .” tahimik na nakikinig ang mga students sa kanilang guro. Halos lahat ay may nakahandang notebook at ballpen, nagsusulat ng notes upang maihanda ang mga sarili sa quiz na gaganapin mamaya.
“Psst! Aia!” pabulong na paninitsit ni Jane sa kaibigang nakaupo sa kaniyang tabi. “May extra pen ka ba riyan?” saad nito sabay turo sa hawak niyang ballpen.
“H’wag mong kalimutang isauli!” Sandaling tumigil sa pagsusulat si Aia para kumuha ng extra ballpen para ipahiram sa kaibigan.
“I’ll just buy you a box after.” Pag-kindat ni Jane sa kaibigan bago muling ibinaling ang tingin sa pagsusulat.
Napabuntonghininga at iling na lamang si Aia. Kilalang-kilala niya na ang dalaga kaya’t alam niyang malaki ang posibilidad na mawaglit nito ang hiniram na ballpen.
“Miss Fuente, can you give me the common heteroatoms found in organic compounds?” Agad na napatayo si Aia nang tawagin siya ng guro. Hindi niya mawari kung ano ang isasagot pero nasisigurado niyang na-i-discuss na ito kanina.
Pasimple namang siniko ni Jana ang kaibigan at itinuro ang sagot na nakasulat sa kaniyang notebook.
“O-Oxygen, Nitrogen, Sulfur, Fluorine, Phosphorus, and the h-halogens, Ma’am,” kinakabahang sagot ng ni Aia habang nakadiretso ang tingin sa guro.
Saglit na tumahimik ang guro at tinaasan ng kilay ang dalaga. Animo’y parang may sinusuri.
“That’s correct. You may take your seat.” Pagtango ng guro.
“Good job, Aia!” magiliw na bati ni Jane sa kaibigan.
“T-Thanks,” nahihiyang tugon ni Aia. Sa katunayan ay nakakaramdam din siya ng inis sa kaibigan; para kasing pinapamukha nito sa kanya ang malaking pagkakaiba ng kanilang mga estado, pero imbes na magpadala sa negatibong emosiyon ay pinili ni Aia na sundin ang sa tingin niya’y tama.
“You’re always welcome, Aia.” Jane smiled.
Physical Education ang susunod nilang klase kaya naman ay halos sabay-sabay ang lahat na nagpunta sa locker room upang makapag-palit ng uniform — a beige-coloured cotton shirt with yellow linings and imprint, and a pair of soft black sport shorts.
"Aia, galit ka ba?" mahinahong tanong ni Jane sa kaibigan habang sinusiklay ang kaniyang mahabang itim na buhok.
"Bakit naman ako magagalit?" kaswal na sagot ni Aia na ngayo'y abala sa p*******i ng sariling sintas.
"You did not do anything wrong," she said, coldly gazing into Jane's eyes.
Napabuntonghininga naman si Jane sa inasta ng kaibigan. Natural na ang pagiging malamig nito sa lahat, pero nahahalata niyang may tinatago ito.
"Sure ka?" pag-uulit ni Jane. "Pakiramdam ko kasi galit ka sa'kin."
"I'm not mad at you, Jane." Pagiling-iling ng dalaga. "I'm mad at myself." Pag-iwas nito ng tingin.
Ramdam at naiintindihan ni Jane ang gustong ipahiwatig ng kaibigan. She knows how Aia compares herself to her; she's one of the main sources of her insecurities.
Despite her desire to comfort her friend, Jane kept her silence and minded her own business. Aia hates to be comforted. Pakiramdam kasi nito'y kinakaawan siya ng tao — isa iyon sa pinaka-ayaw niyang maramdaman.
"Bili tayong ice cream later?" Pag-alok ni Jane.
"It's on me," dagdag pa nito.
Agad naman na pinaningkitan ni Aia ang kaibigan. "Seriously, Jane?"
"What?" painosenteng tugon ni Jane sabay iwas ng tingin. "Nag-o-offer lang naman ako ng ice cream 'eh."
Matapos magbihis ay dumiretso na sila sa inner court.
"Uy, anong sport tinuro ngayon?" pasimpleng tanong ni Jane sa student na mula sa kabilang section. Bawat section ay binubuo ng mahigit thirty students, at kada level ay may dalawang sections.
"Volleyball pa rin, Jane," sagot ng schoolmate. "Pero ni-team na ni sir. Surprise practical exam," saad pa nito.
"Hoy g**o! Ba't mo sinabi?" sabat naman ng isa pang taga-section B, sabay batok sa kaklase.
"Hayop ka pare! Ansakit no'n ah!" pag-angal ng isa.
"Ay hala! Sorry Aia babes," paghihinging paumanhin nito nang bahagyang masagi ang dalaga.
"Sipa, you want?" masungit na pagbabanta ng dalaga dahilan para umatras ang dalawa.
Bahagya namang natawa si Jane sa nasaksihan. Kahit kailan talaga ay napakapalaban nitong si Aia.
"Alright class, gather around. Gather around," pumapalakpak na wika ng PE instructor na ngayo'y nakatayo sa gitna ng court.
Dali-dali namang nagsipila ang mga estudyante.
"Sir, ano pong sports lesson natin?" pagtanong ng isang kaklase.
"Magkakaroon tayo ng practical exam sa sport na volleyball, pero bago iyon ay magkakaroon muna ng drills," mahinahong pag anunsiyo ng instructor
"Ay hala! Volleyball! Hindi ko pa naaaral 'yung proper spiking techniques! Lagot!" Gulat na napasinghap ang isa.
Ilang sandali pa ay umalingawngaw na ang matinis na tunog ng pito sa kabuuan ng court, hudyat ng pagsisimula ng drills. Kaniya-kaniyang naghanap ng kapares ang lahat upang magsimulang mag-stretching.
"Teka, sandali.Ilan na ba nagawa ko?" Saglit na tumigil sa pagsi-sit ups si Jane para habulin ang kaniyang hininga.
"Five. . . or six? 'Di 'ko sure." Pagkibitbalikat ni Aia.
“Ano? Hindi pa man nag-isang dosena hinihingal na ‘ko?” Gulat na sighal ng dalaga.
“Nagulat ka pa ‘eh madalas ka namang humilata sa bahay,” paalala ni Aia.
Agad naman na ngumisi si Jane sabay kamot sa batok. “Ay, oo nga pala no?”
Pagkatapos ay sumabay na sila sa pag-ja-jog. No’ng una’y nagawa pa ni Jane na makipag-unahan sa ibang ka-klase.Ilang sandali pa’y saglit siyang tumigil para magpahinga. Basang-basa ng pawis ang kaniyang likod, at tila ba’y nakakaramdam siya ng pagkahilo.
“Garcia, are you all right?” Agad na lumapit sa dalaga ang instructor.
“Y-yes, sir.” Tumatangong tugon ni Jane habang minamasahe ang kaniyang kumikirot na sentido — sa una’y katamtaman lang iyon, ngunit sa bawat segundong nagdadaan, tila ba’y mas lalo itong sumasakit, kasabay ng unti-unting pag dilim ng kaniyang paligid.
“S-Sir… p-parang…”