Chapter 06
Tuluyan nang nilamon ng dilim ang diwa ni Jane, pero bago pa man siya humandusay sa sahig ay agad siyang nasalo ng guro. Kasabay ng pag-singhap ng madla, nilapitan ng class medic ang dalaga at agad itong kinarga para isugod sa clinic. Worry filled Aia’s heart. Para masigurong magiging maayos ang kaibigan ay sumama na rin siya. She was on the verge of panicking pero agad niya ring pinakalma ang sarili.
Nang dumating ang university physician para i-check si Jane, paunti-unting napanatag ang loob ni Aia. Pansamantala siyang lumabas sa clinic at minabuting i-text ang nobyo ng kaibigan para ipaalam ang nangyari.
‘From: Aia
Jane was rushed to the clinic. Hinimatay.’
Nasa kalagitnaan ng water break si Jameson nang mabasa niya ang text ni Aia. Dali-dali naman siyang nagpaalam sa dance leader bago tinakbo ang distansiya sa pagitan ng practice room at clinic.
“W-Where is she?” hinihingal na tanong ni Jameson sa dalagang si Aia na ngayon ay nakasandal sa pader malapit sa pintuan ng clinic habang nakayuko at naka-ekis ang mga braso harap ng kaniyang dibdib.
“She’s inside.” Dahan-dahang iniangat ni Aia ang tingin upang magtagpo ang kanilang mga mata.
“The resident physician is currently checking her up,” mahinahong saad nito. Pasimpleng nagahip ng mata ni Aia ang mga namumuong butil ng pawis sa noo ng kaibigan.
“Ang dugyot mo,” puna ng dalaga. She then slid her hand inside the pocket of her shorts, taking out a clean white handkerchief.
“Magpunas ka nga muna. Para kang basang sisiw.” Kaswal na iniabot ni Aia ang panyo sa binata, at agad na nag-iwas ng tingin. Kung papansinin nang maiigi ay may himig ng aruga ang malamig na tinig ng dalaga.
Sandali namang nablanko ang isip ng binata at tahimik na tinitigan ang panyong iniabot ni Aia.
“Tatanggapin mo ba o hindi?” may bahid ng inis na saad ni Aia. Babawiin na sana nito ang panyo, pero dali naman itong tinanggap ni Jameson.
Hindi makakailang may pagka-awkward ang hangin na pumapalibot sa dalawa. Ilang sandali pa ay narinig nilang kinatok ng physician ang pinto, hudyat na maari na silang pumasok. Dahil sa kagustuhang labis na kagustuhang makita ang nobya, naunang pumasok sa si silid si Jameson.
“How is she, doc?” tanong ni Aia.
“Judging from Art’s observation, it must be an episode of intense migraine,” tugon ng doctor.
“She’s fine and stable, but she’s going to need to have some rest,” dagdag pa nito.
Tumango at napabuntong hininga si Aia habang pinakikinggang maigi ang sinasabi ng doctor. Naibsan ang pag-aalala na kaniyang nararamdaman.
“She’s going to be fine, right?” mahinahong tanong ni Jameson habang pinagmamasdan ang nobya. He gazed at her with caring and loving eyes as he held her hand.
“Migraine raw,” Aia shortly replied and sighed. She then made herself comfortable by sitting on the monoblock chair, standing by the foot of the bed where Jane was resting.
For a moment, silence ruled over the place. Both, Aia and Jameson, did not know what to do. Despite personally knowing each other, they were pretty distant as friends; it was Jane who makes the bridge for their interactions to come through.
Jameson took a deep breath before releasing a calm exhale. Then he looked at Aia's direction, plastering a soft smile on his lips.
“Thanks for informing me,” Jameson said.
Feeling awkward, Aia gave him a nod and a small smile in reply.
"It's not a big deal." She sighed. "Ginawa ko lang naman 'yung dapat." She then looked away.
Once again, silence enveloped the atmosphere — Aia focused her attention on playing 'Candy Crush' on her phone; while Jameson watched and waited for Jane to wake up.
"Pa'no ba kasi 'to?" Inis na bulong ni Aia sa hangin. Kanina pa nito sinusubukang ipasa ang isang level pero lagi siyang nauubusan ng moves.
Bahagyang natawa si Jameson, rason kung bakit muntik nang mapatalon sa gulat si Aia. Kanina pa pala sumilip sa screen ng kaniyang cellphone ang binata.
"Nakakatawa?" pikon na bulyaw ni Aia.
"Hindi ah!" Agad na nag-iwas ng tingin ang binata at pasimpleng sumipol-sipol.
Aia let out a sarcastic laugh before rolling her eyes, and glaring at Jameson.
"Hala uy! Tumawa lang naman ako 'eh," saad ng binata.
"Kung makatingin ka naman parang may ginawa akong masama," depensa nito.
"Bakit ba parang laging mainit ulo mo?" nakakunot-noong tanong ng binata.
"None of your business." Pagtataray ni Aia. Ibabaling na sana niya ulit ang atensiyon pabalik sa cellphone pero muling nagsalita ang binata.
"Alam mo ba dahil sa gawi mong 'yan, akala ng marami araw-araw kang may dalaw!" Tawa ni Jameson.
Napa-awang naman ang labi ng dalaga dahil sa sinabi ng binata. Mas lalong kumulo ang kaniyang dugo at nag-init ang kaniyang ulo.
"Wala kang modo!" Akmang hahampasin sana nito ang binata, pero dali-dali naman itong umiwas.
"Hala uy! Walang hampasan! Masakit 'yan!" natatawang wika ni Jameson habang sinusubukang tumakbo.
Hinarangan ni Aia ang daan, dahilan para magmistulan silang naglalaro ng patintero
"Aia. . . Jameson?" Agad naman na natigil ang dalawa nang marinig ang boses ni Jane.
"What are guys doing?" Jane asked as she carefully brought herself to sit up.
Saglit na nagpalitan ng tingin si Jameson at Aia, nagi-isip kung ano ang isasagot. Napakamot batok naman si Jameson kasabay ng bahagyang pamumula ng mestisang mga pisngi ni Aia.
"Inaasar niya kasi ako," saad ni Aia.
"Pikon lang talaga siya," depensa naman ni Jameson kaya muli siyang sinamaan ng tingin ng dalaga.
Napatawa naman si Jane sa inasta ng dalawa. Sa tagal nilang magkaibigan ay ngayon niya lang nakitang umakto ng ganito ang dalawa. Tila ba nag-iba ang ihip ng hangin.
"Ang cute niyong dalawa," nakangiting wika ni Jane.
"A-I'll go fetch the doctor." Pagpresenta ni Aia upang makaiwas.
Pagka-alis ni Aia ay naiwang magkasama si Jane at Jameson.
"Are you feeling okay na?" mahinahong tanong ni Jameson sa kaniyang nobya.
"Yeah." Pagtango ng dalaga.
"Pero medyo may konting kirot pa rin," saad nito with matching tipid na ngiti.
Ilang sandali pa'y bumalik na si Aia kasama ang doktor.
"Does your head still hurt, hija?" tanong ng doktor.
"Hindi na po masyado," nakangiting sagot ni Jane.
"Well then, I advice you to go home na muna." The doctor nodded.
"And it would be better if you go to the hospital to get yourself checked," the doctor said.
Jane then nodded and smiled.
-
"Teka, anong oras na ba?" tanong ni Jane nang makalabas sila sa clinic.
"It's quarter to three." Pagsulyap ni Aia sa suot niyang wrist watch.
"Hala! May meeting pa ako kasama ang council!" Agad na napatigil sa paglalakad at napasapo sa kaniyang noo si Jane.
"Hindi pa pala ako puwedeng umuwi!" saad pa nito.
"Pero sabi ni doc, you should go home and rest," sabat ni Jameson.
Napabuntong hininga naman si Jane at tumango-tango. Gusto niya na ring umuwi't magpahinga, pero alam niyang hindi mapapanatag ang loob niya kung hindi siya makaka-dalo sa meeting.
"Jameson's right." Pagsang-ayon ni Aia. "Hindi lang naman siguro ikaw 'yung hindi makaka-attend."
Agad naman na ibinaling ni Jane ang tingin sa kaibigan kasabay ng pag-guhit ng malaking ngiti sa kaniyang labi.
"Or you can go and attend it in my place!" Jane chirped.
-
Aia sighed.
She was walking her way to the SSG office. She was given no choice but to attend as her best friend's substitute.
"Hi. . ." Aia shyly greeted the group the moment she entered the office.
Saglit na natahimik ang lahat. Pare-pareho silang nakatingin sa dalaga, nagtataka kung bakit naroon iyon.
"Jane needed to go home, so she sent me here as her proxy," Aia said.
"Oh. . .kay." Henry, the student council president, nodded.
"Please take a seat, Miss, para masimulan na natin ang meeting." Henry smiled.
To Aia's surprise, everyone was very kind and accommodating. Taliwas ito sa mga scenario-ng minsan niya nang naisip.
"Here!" Masiglang nagtaas ng kamay ang isa sa mga babaeng senator.
"You can take Jane's seat," saad nito habang tinuturo ang blankong upuan na nasa tabi niya.
Pasimple namang tinaguan ni Aia ang babae bago naglakad palapit sa upuan. Aia carefully pulled the seat for herself.
"I'm Scarlett" Pagpapakilala ng babae kanina.
"Ikaw, what's your name?" tanong nito.
Balak sana ni Aia na hindi na lamang ito pansinin, pero sumagi sa isip niya ang sinabi ni Jameson kanina.
"Aia," maikling tugon ni Aia.
"Oh, you must be Jane's best friend!" kwelang wika nito.
"I've heard about you. It's nice to finally meet you in person!" walang preno at sunod-sunod na saad ni Scarlett.
“I should have just said ‘No’.” Palihim namang napabuntonghininga si Aia.
A few moments later ay nagsimula na ang meeting — pinangunahan ito ng council president. The meeting’s agenda was focused on the upcoming foundation anniversary celebration.
“There’ll be booths, performances, and special guests. . .” Henry stood in front, writing the details down on the board.
“The English Club will be hosting a book fair.”
“The Filipino Club will take charge of the marriage booth.”
“Math Club for a puzzle maze.”
“Science for heavenly bodies exhibit.”
“Sports Club for Game booths.”
“Culinary Arts, cafes and pastries!”
Aia listened very well and made a mental note of the details. She could not deny the hint of excitement in her system as she imagined and looked forward to the outcomes.
“Okay then, everything’s settled.” Henry smiled and nodded. “The only thing we have to do now is create committees.”
“We need someone to lead the aesthetics com, the patrol group, and some ushers.”
Isa-isang nag-taas ng kamay ang mga officers upang ihayag ang kagustuhan nilang sumali sa mga committees, except for Aia who remained seated in silence.
“Aia! Hindi ka ba magpapalista?” Scarlett asked.
“Hintayin ko na lang na si Jane mismo ‘yung pumili.” Aia shook her head in reply. “Hindi kasi ako sure kung saan niya gusto.”
“Ano ka ba uy!” Bahagyang natawa si Scarlett sa sinabi ni Aia.
“Although you’re here as Jane’s substitute, hindi naman ibig sabihin na you can’t have your own engagements!” Scarlett smiled. “The council is open to volunteers, and since you’re already here, you should take the opportunity!”
For a moment, Aia thought. Scarlett is right; she should take the opportunity and make her own engagements.
“Uhm. . . may vacancy pa ba sa aesthetics committee?” nahihiyang tanong ni Aia.
“You should go and ask them yourself,” nakangiting panghihikayat ni Scarlett.
Aia then took a deep breath, slowly bringing herself to stand up and walk her way to the aesthetic committee leader. Tahimik siyang sumali sa pila at naghintay ng kaniyang turn.
“It’s nice to know that you’re going to be part of my team, Aia.” Kaswal na nginitian ni Henry ang dalaga matapos niyang iabot dito ang panulat.
Tipid naman na ngumiti pabalik ang dalaga. Kahit malimit lang kung makipaghalubilo ang dalaga’y may iilang nakakakilala sa kanila — karamihan sa mga ito ay naging kaklase niya na noon, at isa Henry sa mga ‘yon.
Matapos ang meeting ay dumiretso na ng uwi si Aia. Mag-a-alas siyete na rin kasi, at baka hinahanap na siya sa kanila.
“Nako, Aia! Ba’t ngayon ka lang?” bati ni Nana Ising pagkapasok ni Aia sa gate.
“May meeting po kasi, Nana,” Aia sweetly replied. “Sorry po kung medyo natagalan ako.”
“Kung sa’kin lang ay walang problema ‘yun, hija. . . ” saad ni Nana Ising.
Paunti-unting naramdaman ni Aia ang panlalamig ng kaniyang kalamnan. Hindi pa man natatapos ng matanda ang sasabihin ay nakuha niya na agad ang nais nitong ipabatid.
“Kanina ka pa hinihintay ng Dad mo.”
-
Ramdam ni Aia ang malamig na titig ng Ama sa kaniya. Tanging ang tunog lang ng pendelum ang bumabasag sa katahimikang naghahari sa buong espasyo. Aia kept her head down as she stood a few feet away from her father’s wooden table.
Kasabay ng pangigilid ng mga luha sa kaniyang mga mata ay ang nag-uumapaw na takot at kaba na bumabalot sa kaniyang puso’t isipan. No’ng huling beses siyang ipinatawag ng ama ay isa pa lamang siyang munting bata, subalit nagdaan mang ang ilang taon ay tandang-tanda niya pa rin ang nangyari — kung paano binasag ng kaniyang ama ang mumunti niyang puso.