Chapter Seven

1606 Words
Chapter 07 Aia once again found herself feeling the same feelings as thirteen years ago — the last time she saw her mother, and the first time she encountered her father. "Anak, you have to behave, okay?" masuyong saad ng ina ni Aia habang sinusuklay ang itim na buhok ng bata. "Sa'n tayo pupunta, nanay?" inosenteng tanong ni Aia habang pinagmamasdan ang kanilang repleksiyon sa maliit na salamin na hawak nito. Nakita ni Aia na may bahid ng lungkot at luha sa mata ng ina, subalit hindi niya na iyon gaano pinansin. Marahil pagod lang ang kaniyang nanay nakakatapos lang ipaglaba ang masungit nilang kapitbahay na si Aling Jana. "Nanay, inaway ka na ni Aling Jana?" tanong pa ni Aia. Dali-dali namang pinahid ng ina ang mga namumuong luha bago lumingo-lingo at tumigin sa mata ng anak. "N-Nako naman ikaw! Kung ano-ano na naman 'yang pinagsasabi mo." Nakangiting hinaplos ng ina ang pisngi ni Aia. "Hindi ako inaway ni Aling Jana, anak," saad pa nito. Bagamat nakangiti ay hindi pa rin naibsan ang kalungkutan sa kaniyang mga mata. Bilang mabait na bata, pansamantalang binitawan ni Aia ang mga hawak na laruan para tumayo at yakapin ang ina. "H'wag na ikaw masa-sad, nanay," malambing na saad ni Aia sa ina. Tuluyan na ngang tumulo ang mga nagbabadyang luha sa mata ng ginang kasabay ng pagdama niya sa init na hatid ng yakap ni Aia. Dahan-dahan niyang kinarga ang anak para ikandong at yakapin pabalik. She then planted small kisses on top of the child's head as she suppressed her sobs by biting her lip. "N-Nanay, bakit ikaw nagka-cry?" Naluluhang tinignan ni Aia ang mata ng ina. Gamit ang kaniyan maliliit na kamay ay sinubukan niyang abutin ang pisngi ng ginang para punasan ang kaniyang mag luha. Dahil sa ginawa niya'y mas lalo pang naging emosiyonal ang ginang — mas lumakas ang kaniyang paghikbi nito, at mas humigpit ang yakap nito sa anak. "N-Nanay, b-bakit?" Hindi lubos maintindihan ni Aia ang dahilan kung bakit umiiyak ang ina. Dala ng pagkalito at awa'y nagsimula na rin siyang umiyak. "I'm sorry, anak. . ." she sadly whispered as she caressed her child's hair. - "Wow! Big na house!" puno ng pagkamanghang wika ni Aia habang sinusuri ang kabuuan ng malapalasyong bahay. "Parang castle!" Saglit na binaling ng bata ang tingin sa ina. Ang kanina'y malungkot at nalilitong puso ni Aia ay napalitan ng pagkasabik. Ang sabi kasi ng ina'y mamasyal sila bilang pambawi sa mga iniyak niyang luha kanina. "Gusto mo bang tumira riyan, anak?" mahinahong tanong ng ina.  "Oo ba, nanay!" masiglang tugon ng anak. "Pero dapat kasama ikaw!" dagdag nito. Bahagyang pinisil ng ina ang maliit na kamay ng anak at binigyan ito ng isang tipid na ngiti.  Ilang sandali pa'y bumukas na ang gate at sinalubong sila ng guard, upang samahan papasok sa malapalasyong mansion. "Beautiful naman ng flower," nakangiting turan ni Aia nang mapadaan sila sa hardin. Akmang pipitas sana siya ng bulaklak, pero agad din naman siyang pinigilan ng ina. "H'wag malikot, anak," lumilingo-lingong habilin nito sa anak. Tumango naman si Aia at tumayo ng tuwid. Kung nakakamangha na sa labas ay mas lalong kaakit-akit ang interior ng buong mansion — makinis at makintab na sahig, mamahaling mga furniture, at mga portraits at vases na hango sa Renaissance. "Hello, hija," nakangiting bati at salubong ng isang ginang na may ka-edaran na.  Dahan-dahang nagtago si Aia sa likod ng suot ng saya ng kaniyang ina, dahilan para matawa ang ginang. “Nako! Mukhang natakot ko pa ata.” Tawa ng ginang. “H’wag kang mag-alala, hija, mabait ako,” saad nito. "Ako si Nana Ising," pagpapakilala nito. Saglit na ibinaling ni Aia ang tingin sa ina. Pasimple namang ngumiti at tumango ang ina. Paunti-unting nakampante ang loob ni Aia.  "Hello po, Nana Ising," may himig ng pagkahiyang bati pabalik ni Aia. "Ako naman po si Aia Marie Fuente, six years old!" Magiliw na itinaas ni Aia ang anim na daliri upang ipakita kay Ising. "Ang bait mo namang bata, hija.” Marahang hinaplos ni Nana ising ang buhok ni Aia at ngumiti. “At napakaganda pa!” dagdag nito sabay baling ng tingin sa ina ni Aia. "Dito ka muna anak." Saglit na lumuhod ang ina upang ipantay ang lebel nila ng kaniyang anak.  "Behave ka muna. May kakausapin lang si Nanay 'ah?" wika ng ina habang hinahaplos ang buhok at pisngi ng anak. “Si Nana Ising na muna ang magbabantay sa’yo,” dagdag nito. "H'wag ikaw magtatagal Nanay ah! Balikan mo agad si Aia!" tumatango-tangong tugon ni Aia. "Very good naman ng baby ko!" Ngiti ng ginang.  "Pa-hug nga muna ako." Malambing na hinagkan ng ina ang kaniyang anak. Muli, paunti-unting namuo ang mga luha sa kaniyang mata.  "Nanay, hindi makahinga Aia!" Nakikiliting tawa ni Aia. "Magpapakabait ka, Aia 'ah," bilin ng ginang bago bumitiw sa yakap at tumayo. “Alagaan niyo po siya, Nana,” nakangiting wika ng ina ni Aia sa ginang bago dahan-dahang tumalikod at sumama sa guard paalis. Inosenteng pinanood ni Aia ang ina na naglalakad palayo. Nang lingonin ng Ina’y nagawa niya pang kumaway-kaway dito. Lingid sa kaniyang kaalama’y iyon na pala ang huling beses na makikita’t mahahagkan siya ng ina. - “Nana, please, ibalik niyo na si Aia kay Nanay. . .” mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa ni Aia.  Napabuntonghininga naman ang matanda. Naawa siya sa alaga, ngunit kahit anong gusto niyang tuparin ang hiling nito’y wala na siyang magagawa. Iniwan na si Aia ng kaniyang ina’t hindi na ito kailan pa babalik. “Hija, h’wag ka nang umiyak. . .” Mahinahong pinakalma ni Ising ang umiiyak na si Aia. Dis oras na ng gabi kaya’t halos lahat ay tulog na.   “Nana, please.” Pag-iyak ni Aia.  “Hindi na po ako magpapasaway, ibalik niyo lang po ako kay Nanay.” Halos lumupasay na si Aia sa sahig habang walang tigil na umaagos ang luha sa kaniyang mga mata. Tila nanlamig at naestatwa nang mapansin ang presensiya ng kaniyang amo. Tahimik na nakatayo sa may pintuan si Alberto.  “Tama na,” malamig na wika ni Alberto.  Saglit na natigil sa pag-iyak ang batang si Aia. Kitang-kita kung paano balutin ng takot ang malungkot na mata ng bata. Bagamat walang ibang sinabi’y sumisigaw ng ka-striktuhan at disiplina ang presensiya ni Alberto. “Hindi na babalik ang Nanay,” saad ni Alberto habang diretsong nakatingin sa mata ng bata.  “Iniwan ka na niya dito. Naiintindihan mo ba?” “H-Hindi totoo ‘yan!” sagot ni Aia. “Babalik ang nanay! Babalikan niya si Aia!” lumilingo-lingong saad nito.  “Liar ka!” Akmang susugurin na sana ni Aia ang ama pero agad siyang pinigilan ni Ising. “B-Balik si nanay!” Iyak ni Aia. Paunti-unting gumuhit ang malamig na ngiti sa labi ni Alberto. “Kung babalikan ka niya’y sana matagal niya nang ginawa iyon. Hindi ka na sana niya paghihintayin ng ilang buwan.” “Patahanin mo ‘yan, Nana Ising,” malamig na turan ni Alberto. “Kung hindi lang talaga. . . hindi ko ‘yan papatuluyin rito,” dagda pa nito bago tuluyang tumalikod at naglakad papalayo. At the young age of six, Aia started to deal with the twists of reality. She had to learn how to silently cry herself to sleep, at di kalauna’y paunti-unti niya na ring isinara ang puso sa mundo at sa konsepto ng pagmamahal. “Hindi ka ba marunong bumati sa nakakatanda?” Alberto’s cold baritone voice echoed throughout the room, sending chills into Aia’s spine. “G-Good evening po,” nakayukong saad ni Aia. She kept her head down, avoiding her father’s strict and cold eyes.  Although she managed to master the art of caging her heart from everyone, her father was always an exemption. He was the only one who could manage to make her knees shiver in fear.  “I have received the news concerning the Garcia Heiress,” Alberto spoke. “And I also heard that you’re starting to make your ways into the organization,” he added. “P-Po?” Aia brought herself to look him in the eye.  “Wala po akong gina—” “It’s nice to know that you’re starting to have an ambition.” Alberto gazed into her eyes and rewarded her with a proud smile.  Surprised by his words and gesture, Aia stood frozen in her tracks. She began to feel an unfamiliar sensation in her chest — a slight rush of adrenaline, and hints of butterflies in her stomach. Sa tinagal-tagal niyang pananatili sa puder nito’y ngayon lamang siya nakatanggap ng isang ngiti sa ama. - “Jane baby!” agarang sinalubong ng yakap ang anak pagkalabas nito ng sasakyan. “Are you hurt anywhere?” Nag-aalala niyang sinuri ang anak. “We should bring you to the hospital as soon as posible!” saad nito. “Ma, I’m fine.” Bahagyang natawa si Jane sa inasta ng ina. “I just need to have some rest according to the clinic doctor,” saad niya. Saglit namang tumahimik si Kriz at pinagmasdan ang kaniyang unica hija.  “Is that so?” malumanay nitong tanong, na tinaguan naman ni Jane. “Still, I don’t think I can bring myself to sleep without further assurance coming from the hospital,” hirit nito. “Dad, si Ma o!” Jane turned to her dad and pouted. “Please tell her that I don’t need to go to the hospital.” Pagpapa-cute ni Jane. Dahan-dahan namang nag-iwas ng tingin si Arthur nang maramdaman niya ang nakakamatay na titig ng kaniyang asawa. Napabuntonghininga’t nguso na lamang si Jane.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD