Chapter Eight

1663 Words
Chapter 08 That night, for the first time in a long time, Aia had a good night’s sleep. Hindi maalis ang masayang ngiting nakapaskil sa kaniyang labi. Kahit anong pilit niya itong itago’t pigilan ay hindi ito mawala-wala; meanwhile, Jane was having one of the worse night of her life. “For pete’s sake, let me sleep!” Naiinis at mangiyak-iyak na inigudngod ni Jane an mukha sa kaniyang unan. It was way past her bedtime, yet Jane could still not bring herself to sleep. Hindi niya na halos maintindihan ang sarili. Ilang araw na siyang nahihirapang matulog kaya naman ay napapadalas na rin ang kaniyang migraine episodes.  Jane brought herself to sit up on her bed. She then took a deep breath and released a sigh of frustration. Saglit niyang ipinikit ang kaniyang mga mata’t muling huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. “What the heck is wrong with me?” Inis na iminulat ni Jane ang kaniyang mga mata’t sinabunutan ang sarili.  A few moments later, Jane found herself sobbing as tears began to fall from her eyes. Bahagya niyang kinagat ang kaniyang labi’t itinaas ang tingin para patahanin ang sarili. “‘Y-You don’t need to cry, Jane,” Jane spoke to herself while giving slow and careful pats to her chest. The exact reason why she cried was a little unclear, but she could not deny that she was starting to feel sorry and worried about her being. KINABUKASAN maagang nagising si Aia, at kagaya ng nakasanayan ay sinamahan niya ang Nana Ising na mamili ng preskong ingredients para sa agahan.  “Nana, ako na po riyan sa patatas,” nakangiting saad ni Aia. “Ilang piraso po ba ang kakailanganin niyo?” tanong niya matapos kunin ang plastic. Saglit na tinitigan ni Nana Ising ang dalaga, at nginitian. Pansin niya ang magaan at masaya nitong aura. “Mas maganda ka kapag nakangiti, hija,” saad ni Nana Ising. “Sana lagi kang nakangiti,” dagdag pa nito. “Si Nana naman ‘eh!” Tawa ni Aia. “Kapag lagi akong nakangiti magmu–mukha naman akong eng-eng no’n!” biro ng dalaga. “Ay! Oo nga ‘no?” natatawang tugon ni Nana Ising. “Pero h’wag kang mag-alala, ikaw naman ang pinakamagandang eng-eng na kilala ko,” hirit niya. Napailing-iling na lamang si Aia sa sinabi nang kaniyang Nana bago muling ibinaling ang pansin sa pagpili ng mga patataas. Ang kaniyang Nana Ising na halos ang nagpalaki sakaniya kaya naman ay hindi niya maikailang napakagaan ng loob niya rito. “Mga madam, matagal-tagal pa ba kayo riyan?” Sabay naman na napatingin sina Aia at Nana Ising sa nagsalitang si Tatay Celio. “Sandali na lang,” tugon ni Nana Ising. “Karne ng baboy na lang ang kulang,” dagdag nito. “Ay ako na lang po bibili ng karne, Nana!” pagpresinta ni Aia. “Marunong naman po akong pumili ng presko tsaka kilala naman na ako ni Manong Francisco.” “O siya.” Dahan-dahang tinanguan ni Ising ang alaga’t inabutan ng pera pambili. “Dalawa’t kalahating kilo, hija. Ipa-menudo cut mo na lang rin,” bilin nito. “Roger that, Nana!” magiliw na saad ni Jane bago naglakad papunta sa karnehan. Sa sobrang dalas niyang sumama sa kaniyang Nana Ising ay tila ba nakabisa na niya lahat ng pasikot-sikot sa merkado. “O ineng!” masiglang bati ni Manong Francisco sa dalaga. “Ilang kilo ba iyong bibilhin?” tanong nito. “One and a half kilo po ng karneng baboy, Mang Francis,” sagot ni Jane. “Menudo cut po,” dagdag nito. Agad naman na tinanguan ni Francisco ang dalaga, at naghugas ng kamay para maihanda na ang order ng dalaga. Tahimik na pinanood ni Aia kung paano inihanda’t hiniwa ng karnero ang mapula-pula’t preskong karne ng baboy.  “Uy nandito pala si Aia!” saad naman ng kakasulpot lang na si Aling Gretch, asawa ni Manong Francis. “Aba’y dalagang-dalaga na ikaw, hija!” puna nito. “Ilang taon ka nga ulit, hija?” tanong nito. Tipid naman itong binigyan ng ngiti ni Aia at sinagot, “Mage-eighteen na po ako, Aling Gretch.” “O edi malapit ka nang mag debut!” naeexcite na saad ni Aling Grech na may kasamang palakpak. “A-A. . . Opo,” naiilang na sagot ni Aia.  “O edi alams na ah!” Tawa ni Aling Grech. “Dito kayo sa’min mag order ng para sa letchon!”  Hindi na alam ni Aia kung ano ang isasagot kaya nama’y nakitawa na lang rin siya. Kung hindi pa binanggit ni Aling Grech, hindi niya maalalang nalalapit na pala ang kaniyang kaarawan. Palihim namang napabuntonghininga si Aia. In her almost eighteen years of existence, she has spent most of her birthdays alone. And the last time that she ever felt excited about that day was before she turned six years old. Nang matapos mamalengke ay umuwi na sila sa bahay. Sinimulan na ni Nana Ising ang paghahanda ng pagkain para sa pamilya, at umakyat na si Aia para mag-ayos at pumasok sa school. Malapit nang mag-alas siyete kaya naman ay nagsimula ng magmadali si Aia; she needs to leave before the family sets foot in the dining area, or else she’ll get scolded. Labis-labis ang pagpapasalamat ni Aia nang natapos siya bago nagsibabaan ang ibang kasapi ng bahay. Naturingan man siyang isa sa mga anak ng padre de pamilya’y ibang-iba ang kaniyang lebel sa iba nitong mga anak. 7:21 nang makarating si Aia sa University. Wala pang masyadong estudyante at may isang oras pa bago magsimula ang klase kaya nama’y dumiretso na muna siya sa cafeteria upang kainin ang ipinabaon sa kaniya ng kaniyang Nana Ising. Mainit-init pa ang ulam at kanin kaya nama’y bago sumubo’y minabuti muna ni Aia na ihipan ito. Ganito lagi ang eksena sa bawat araw niya. Kahit na gustuhin niyang kumain sa kanila’y hindi iyon puwede dahil paniguradong papagalitan siya ng kaniyang ama o ‘di kaya naman ng masungit nitong asawa. No’ng una’y naiiyak at naawa si Aia sa sarili, pero di kalauna’y natutunan niyang tanggapin ang katotohanang iba siya sa kanila. “Uy! Luto ‘yan ni Nana Ising?” Halos mapatalon sa gulat si Aia nang biglang sumulpot sa kaniyang harapan ang binatang si Jameson. Muntik pa siyang mabilaukan kaya naman ay sinamaan niya ito ng tingin. “Balak mo ba akong patayin?” inis na hasik ng dalaga. “Sorry naman,” wika ni Jameson bago inilapag ang gym bag sa bakanteng upuan sa tapat ng dalaga.  “Bakit ka umuupo?” Agad naman na pinagtaasan ng kilay ni Aia ang binata nang ito’y umupo sa mismong upuan sa tapat niya. “Ang possessive mo naman. ‘Eh wala namang nakasulat na ‘Aia’s Property’,” pilosopong tugon ni Jameson. “Tsaka pagod ako ‘eh, alangan namang kumandong ako sa’yo,” dagdag pa nito. “Pahingi ako ‘ah!” pagpaalam ni Jameson bago sumubo ng isang piraso ng karne gamit ang malinis na tinidor. Napaawang naman ang labi ni Aia sa ginawa ng binata. Kung umasta ito’y parang sobrang close silang dalawa. “Bakit ka kumuha?” mataray na tanong ng dalaga. “Sinabi ko bang puwede?” pahabol nitong tanong. “Damot mo naman, BFF.” Jameson looked at her and pouted.  “BFF?” naguguluhang tanong ni Aia. “Kailan pa tayo naging mag-BFF?”  Pasimple namang tinuguan at nginitian ni Jameson ang dalaga.  “Kahapon!” taas noo nitong saad. “Di’ba nga pinahiram mo pa nga ‘ko ng panyo ‘eh!” pagpapaalala nito. Saglit na natigilan at natahimik si Aia. Agad naman siyang yumuko para mag-iwas ng tingin. Ramdam niya ang unti-unting pag-akyat ng hiya sa kaniyang sistema kasabay ng dahan-dahang pamumula ng kaniyang mga pisngi. “Matagal naman na tayong friends, tapos no’ng pinahiram mo ako ng panyo kahapon, nag-upgrade at naging mag-BFFs na tayo!”  Bahagya namang natawa si Aia dahil sa sigla ng boses ng binata. Kung naging babae lang sana si Jameson ay papasa na ito bilang pangalawang Jane. Halos magkapareho ang ugali ng dalawa kaya naman ay hindi na nakapagtataka kung bakit agree ang lahat na talagang itinandhana sila para sa isa’t-isa. Aia then slightly bit her lower lip and released a small sigh. Muli niyang itinaas ang tingin, dahilan para saglit na magtagpo ang mata nila ni Jameson, na ngayo’y ilang ulit nang sumandok ng pagkain mula sa baonan ng dalaga. “Ubusin mo na ‘yan.” Mahinang tinulak ni Aia ang kaniyang baonan upang ilahad ang natitirang pagkain sa binata. Nagkalahati na siya sa kaning inihanda ni Nana Ising kaya nama’y kahit paano’y ramdam niyang busog na siya. “Sure ka?” tanong ni Jameson. Natawa naman si Aia nang mahimigan ang bahid ng hiya sa boses nito. “Oo. Busog na ako kaya ubusin mo na lang ‘yan.” Pagtango niya sa binata. At dahil do’n ay hindi na nagdalawang isip pa ang binata na kunin ang kutsara at ubusin ang pagkain. Tahimik na pinagmasdan ni Aia ang binata. Agad naman na nanlaki ang kaniyang mga mata nang naramdaman niya ang dahan-dahang pagporma ng isang ngiti sa kaniyang labi. Sakto namang tumunog ang kaniyang cellphone kaya naman ay dali-dali siyang nag-iwas ng tingin. ‘You have one message from Jane na Bestie kong cutie *mwah mwah*’ Nakatanggap siya ng message mula sa kaibigan. Bahagyang natawa si Aia nang mabasa ang notification. Si Jane mismo ang nag-save ng sarili niyang number kaya naman ay agaw-pansin ang nilagay nitong pangalan. Napailing-iling na lamang si Aia bago pinindot at basahin ang text ng kaibigan. ‘From: Jane na Bestie kong cutie *mwah mwah* Hi Bestie! Hindi ako makakapasok ngayon kasi ipapa-check ako nina Mommy. H’wag mo ‘ko masyadong ma-miss. Update kita sa things later! Hehe yun lang!’  Napabuntonghininga na lamang si Aia matapos basahin ang message ng kaibigan. Kahit sa text at napaka-sigla pa rin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD