Chapter 09
While Aia was busy dealing with Jameson, Jane had problems of her own. Tahimik na nakaupo sa backseat ang bagot na bagot na si Jane. Ilang ulit nang napabuntonghininga ang dalaga. Kahit gusto man nitong umangal sa kagustuhan ng kaniyang mga magulang, pinili niya na lamang na tumahimik at gawin ang ikakapanatag ng loob ng lahat.
“A short trip to the hospital won’t hurt at all, hija.” Saglit na sinulyapan ni Kriz ang anak sa rearview mirror.
Ngumuso’t bumuntonghininga naman ulit si Jane. Naiintidihan niyang gusto lang ng mga magulang niya na masigurong maayos siya. Maski man siya’y gano’n rin ang gusto. The whole drive from the house to the hospital lasted for nearly an hour; medyo naipit sila sa traffic dahil dumaan pa sila sa opisina ni Arthur.
“Sabi ko kasi sa’yo, mamaya na tayo dumaan sa office mo ‘eh,” saad ni Kriz. “Mukhang male-late pa tuloy tayo sa appointment natin with Dr. Chu,” she added while glancing at the wristwatch that she was wearing.
“Trust me, love, we won’t be late,” Arthur replied with a wink. “I know a shortcut!” he then boasted.
Napailing-iling na lamang si Kriz. Ilang minuto pa’y nakarating na sila sa hospital. Sabay na naglakad papasok ang mag-inang sina Kriz at Jane habang nakasunod naman sa kanila ang padre de pamilyang all-in sa pag-bati sa mga hospital staffs. Nagmistulang isang nangangampaniyang kandidato si Arthur.
Habang naghihintay na tawagin, tahimik na pinanood ni Jane ang mga pasyenteng dumadaan sa lobby. Sandaling napako ang kaniyang tingin sa tatlong pasyenteng nag-aabang sa tapat ng vending machine. Pare-pareho itong nakasuot ng damit pang-hospital at animo’y parang nagmamasid-masid sa paligid. Agad namang niyang nginitian ang babaeng pasyente nang tumingin ito sa kaniyang direksiyon. At bahagya naman siyang natawa nang sinenyasan siya nito na itikom ang kaniyang bibig. Pasimple niya namang tumango si Jane at inaktong izini-zipper ang bibig.
A few moments later, the nurse called Jane’s name, and within a blink of an eye dali-daling nagsitakbuhan ang tatlong pasyenteng kanina’y pinapanood ni Jane.
“Nako nako, naman!” Umiiling-iling na napabuntong hininga ang nurse. “Napakapasaway talaga ng mga ‘yon,” saad niya.
“Sino po ba sila?” kuryosong tanong ni Jane.
Agad naman na ibinaling ng nurse ang tingin sa dalaga’t ngumiti. “Mga patients din ‘yun ni Doc, Miss.”
“Anyways, ikaw na ba ‘yung next patient?” tanong naman ng nurse.
“Opo. Jane Garcia.” Jane nodded in reply.
“Kami na po ba, nurse?” biglang singit na tanong ni Kriz.
Bahagya namang natawa ang nurse. “Opo, ma’am.” Pagtango ng nurse. “Puwede na po kayong pumasok,” saad pa ng nurse sabay turo sa bukas na pinto ng opisina ng doctor.
“Oh! That’s good,” nakangiting wika ni Kriz. “Thank you, nurse.”
“Let us go na, hija,” saad pa ni Kriz bago tuluyang hinila papasok ang anak.
“Long time no see, Mrs. Garcia,” nakangiting bati ng doktor pagkapasok nila.
“Please have a seat.” Magalang nitong itinuro ang bakanteng upuan sa tapat ng kaniyang desk.
“Nako! Dalaga na pala itong si Jane!” the doctor happily chirped as she looked at Jane. “Let me guess, is Arthur having problems with the suitors na ba?” she slightly chuckled as she shifted her gaze to Arthur.
“It’s a little too late for that, doc.” Arthur chuckled in reply. “She already has a boyfriend. I couldn’t bear to be the villain in my daughter’s love story.”
“Though, at times, he secretly plans to join their little dates as a chaperone,” Kriz chipped in.
“Mommy, Daddy. . . naman ‘eh!” nahihiyang wika ni Jane na ikinatawa naman ng lahat. She could feel her cheeks heating up. Minsan talaga’y napakadaldal ng kaniyang mga magulang.
“Nako, hija! Kung ngayon ay nahihiya ka, feeling ko ay magcri-cringe ka kung malaman mo ang mga pinagpla-plano ng daddy mo noon!” natatawang saad ng doctor. “You hadn't even taken your first steps, but your dad was already trying to hire a SWAT team to keep boys away from you.” She then laughed.
“Anyways, as much as I want to spend the whole session catching up, it would be much better if we start jotting down the details that led you to visit my office,” the doctor said and smiled.
“By the way, I’m Dr. Cindy Chu,” pagpapakilala niya sabay turo sa name plate na nakapin sa suot nitong doctor’s coat.
Because of Dr. Chu’s friendly vibes and talkative nature, the consultation went on smoothly. It almost felt like they were just chatting with a close friend. From time to time, she’d talk about random events to lighten up the atmosphere.
“Doc, would it be too much to ask if we have her do a full body check-up?” Kriz said. “I just want to make sure nothing’s wrong with her.”
“Mommy!” pag-angal ni Jane. “You promised na we’ll just ask for a prescription!”
Saglit namang ibinaling ni Kriz ang tingin sa anak. Kriz then took a deep breath and reached to hold her daughter’s hand.
“I know, hija.” She sighed. “But since we’re already here, we should just get all things done in one go. That way we can really be sure that nothing’s wrong, and we won’t have to do another visit.” She then gave Jane a small smile as she caressed her hand.
“Fine. . .” Jane sighed.
-
“Aray! Naiipit ako! Umusog nga kayo!” Marahang itinulak ng babae ang mga kasamang kaibigan para maayos ang kaniyang puwesto. Pare-pareho silang nakaupo sa iisang hospital bed, nagkukumpulang naghihintay na makapaglaro ng temple run.
Agad naman na nagsituwid ng tayo ang lahat nang marinig ang pagkatok ng nurse sa pinto.
“Hello po, Nurse Kim!” Halos sabay-sabay na bati ng lahat sa nurse na ngayo’y nakatayo sa may pintuan.
“Uy bagong roomie?” nagagalak na tanong ng isang pasyente nang mapansin ang babaeng kasama ng nurse na si Jane.
“Siya si Jane, pasyente rin siya ni Doc, pero i-di-discharge rin siya maya maya,” tugon ng nurse.
“For the meantime ay dito na muna siya. Siya rin ang magsisilbing spy ko, kaya h’wag na h’wag kayong magdadalawang isip na tumakas.” Isa-isang binigyan ni Nurse Kim ng warning stare ang tatlong pasyente.
“Luh! Hindi po kami tatakas, Nurse Kim!” umiiling-iling na saad ng nag-iisang babaeng pasyente. Kagaya ng buhok nitong may violet na highlights, kapansin-pansin ang taglay nitong masayahing aura.
“Hi! Ako nga pala si Venus — ang pinakamagandang diyosa ng room 314!” masiglang bati nito kay Jane with matching hairflip.
“Siya naman si Wallace — ang cutie chubby bebe boy ng room 314.” Kwelang itinuro ni Venus ang kaibigang si Wallace. Kagaya nga ng sabi niya’y cute nga talaga iyon. May matambok ang mapula-pulang pisngi’t katawan na kay sarap yakapin.
“Hi!” Kumaway-kaway si Wallace sa dalaga.
“Tapos siya naman si Joseph — ang heartthrob ng room 314.” Sunod na itinuro ni Venus ang isa pang pasyenteng nakasandal sa may pader habang abala sa pagkalikot sa hawak na iPad. Mas matangkad at payat ito kumpara kay Wallace.
“Guwapo niya ‘no? Sorry ka taken na ‘yan by me!” Agad na umalingawngaw ang malakas na halakhak ni Venus sa buong kwarto.
“Asa ka namang jojowain ka ni Joseph,” pagkontra ni Wallace dahilan para makatanggap siya ng masamang tingin mula sa dalaga.
“Heh!” Pag-irap ni Venus bago muling ibinaling ang pansin kay Jane.
Bahagyang natawa si Jane sa interaksiyon ng dalawa.
“Hi sa inyong lahat,” nakangiting saad ng dalaga. “Ako naman si Jane,” pagpapakilala niya.
“Hi, Jane! Welcome to Room 314!”
-
Pansamantalang sinuspend ang klase dahil ipinatawag ang mga guro para sa isang meeting patungkol sa paparating na foundation week. Para magpalipas ng oras ay minabuti na muna ni Aia na magpunta sa main library para magbasa ng mga libro. Dahil wala si Jane ay mag-isa lamang niyang binaybay ang mahaba at tahimik na corridor. May iilang classmates siyang nadadaanan pero hindi na siya nag-abalang pansinin ang mga ‘yon.
Liliko na sana papasok ng library si Aia, pero saglit siyang natigilan nang nahagip ng kaniyang mga mata ang grupo nina Jameson na nagpra-practice sa mini-stage sa tapat ng library building. Aia stood still for a moment and watched how the school’s dance troupe synchronously moved their bodies according to the choreography as well as the beat of pop music. Kitang-kita ang angking talento ng bawat miyembro kaya hindi kataka-taka kung bakit ilang beses na silang nakahakot ng awards mula sa iba’t-ibang contests.
Aia’s lips slowly morphed into a small smile, before letting out a deep sigh and making her way inside the library.
“Kaunting polishing na lang at mama-master na natin ang sayaw para sa foundation night!” Puno ng panghihikayat na pumalakpak ang leader ng troupe na si Andrei.
“Aba syempre! It’s all thanks to you, Kuya Rei!” tugon ng buong troupe.
“Ikaw ang pinaka da best na choreographer ever!” saad naman ni Aundre Leigh, isa sa mga senior members ng troupe.
“Sus ayan ka na naman, Leigh!” Umiiling-iling na tawa ni Jameson. “Pinapalaki mo na naman ang ulo ni Kuya Rei!” Biro nito.
“Uy nagsasabi lang ako ng truth ah!” depensa ni Aundre Leigh. “Totoo naman talagang magaling ‘to sumayaw!” Pasimpleng inakbayan ni Aundre si Andrei.
“Simpleng giling lang tumitili na agad ang madla!” Tawa niya.
“Ay, agree ako riyan!” pagsang-ayon ni Jameson na ikinatawa ng lahat. “Malakas ang kamandag ni Kuya Rei sa mga girls!”
“Sus pa-humble naman ‘tong si Jameson!” saad ni Andrei. “Kung makapagsalita parang hindi binabaha ng chocolates ang desk sa t’wing Valentines!”
“Aigooo~ pareho lang naman kayong may mahabang pila ng admirers ‘eh!” sabat ni Aundre Leigh. “Ang pinagkaiba lang is si Jameson may long time jowa, pero ikaw Rei hanggang ngayon single pa rin,” dagdag pa nito.
“Akala tuloy ng iba pogi rin ang tinitibok ng puso mo.” Pabirong siniko ng dalaga ang kaibigan at tumawa.
“Oh em gee! Kalat na ang aking secret identity!” Malokong umakto na parang gulat si Andrei na ikinatawa naman ng mga kaibigan.
“Pero walang halong joke, may hinihintay ako,” nakangiting wika ni Andrei. “Wait niyo lang mga beshie at i-re-reveal ko ang aking bongacious love!” Pabirong inipit ng binata ang kaniyang tinig para mag boses babae.
“Kapag ikaw maihipan ng hangin, tatawanan lang kita,” saad ni Aundre Leigh.
“Teka magla-lunch na pala!” saad ni Andrei nang mahagip ng mga mata niya ang oras sa kaniyang suot na relo.
“Ebriwan! Lunch break na muna tayo. Balik na lang lahat mamayang 1:30,” pag-announce niya sa buong team, bago dahan-dahang bumaba sa stage.
“Sasabay ka bang mag-lunch sa’min?” tanong niya kay Jameson bago isinukbit ang bag sa kaniyang balikat.
“Ay nakalimutan kong sabay pala kayo lagi ng bebeloves mo,” biglang bawi nito na ikinatawa ni Jameson.
“Wala siya ngayon kasi nagpa-check up,” wika ni Jameson. “Sa’n niyo ba planong mag-lunch?” tanong nito.
“Do’n lang sa may lomihan ni Aling Marta,” tugon ni Andrei. “Sasabay ka ba sa’kin pinsan?” tanong naman niya kay Aundre Leigh.
“Manlilibre si Kissha kaya babush!” saad ni Aundre Leigh bago kumaripas ng takbo papalayo.
“Sana all nililibre. . .” Tawa ni Andrei.
-
“Hala, Hala! Tignan niyo mag tu-two million na ang score niya!” puno ng pagkamanghang saad ni Venus habang itinuturo ang score ni Jane sa larong ‘Temple Run’.
Mula pa kanina ay pasalit-salit silang naglalaro ng temple run sa iPad ni Wallace. Tahimik naman na pinanood ng lahat ang bawat swipe ni Jane. Sa sobrang excitement ay nakikitalon na rin rin sa t’wing tatalon ang character.
“Ay sayaaaaang!” Napasuntok sa hangin si Wallace nang sumagi sa apoy ang character ni Jane. “Maabot na sana natin ‘yun objective!”
Napabuntonghininga naman si Jane bago iniabot ang iPad kay Joseph. Agad naman na pumwesto sa tabi ng binata ang dalagang si Venue dahilan para matawa ng kaunti si Jane.
“Ayan na naman si Venus.” Napakamot batok at buntonghininga na lamang si Wallace. “Minsan talaga iniisip kong crossbreed siya ng tao at linta. Lakas makadikit kay Joseph.”
“FYI, naririnig pa rin kita!” saad naman ni Venus na nakatoon pa rin ang pansin kay Joseph.
“Linta na may matalas na pandinig,” hirit pa ni Wallace dahilan para samaan siya ng tingin ni Venus.
Hindi pa man lumilipas ang isang araw ay napalapit na ang loob ni Jane sa lahat; itinuturi niya nang mga kaibigan ang mga bagong kakilala.